3rd Chapter: 10 weird things

Start from the beginning
                                    

3.   Nickname niya ay Pooh

4.   Hindi siya magaling mag-english

5.   Nagpapasok siya ng strange guy sa bahay niya

6.   Hindi siya maalam magsara ng gate

7.   May utang siyang P2000 na 2 months ng hindi nabayaran

8.   Magulo ang bahay niya even she is a girl

9.   May sikreto siyang itinatago

10.            Hindi siya maalam magtanda ng pangalan


Kitams! Nilista ko sa mind ko and sampu na agad yan! Halos wala pang isang araw kong kasama tong si weird girl. Wait, hindi ko pa nga pala nasama na pati name niya ay weird! Haha!


“Janus! Tawagin mo akong Janus! Siguro sasanayin ko ang sarili ko na tawagin kang Nomomori kahit mahaba!” sabi ko sa kanya.


“Janus!” Hindi pa rin siya nakatingin sa akin habang sinabi niya ang name ko! Aba! Bakit parang feeling ko nagba-blush siya habang sinasabi ko yun. Well, ganon naman talaga kaming mga lalaki eh! Super-confident sa aming mga sarili. Pero I find this weird girl cute! Wait, may mga plans na nga pala akong pina-process sa utak ko kanina habang pinagmamasdan ko ang bahay niya. I should change her house into new one. Para yung sinasabi niyang nakaraan niya ay hindi na niya maalala.


“Ahm, Nomomori…” shet, ang hrap sabihin ng pangalan! Ang haba!


“Ano yun?” nakita ko siyang tapos ng maghugas ng pinggan at pinupunasan na niya ang kamay niya ng towel.


“Okay lang ba sa iyo na baguhin natin ng konti ang ayos ng bahay mo?” nag-aalangan akong sabihin iyan sa kanya kase baka magalit na naman.


“ABA! HINDI PWEDE! MAWAWALA ANG ALA-ALA NINA NANAY AT TATAY!” sigaw niya, sabi na nga ba eh! Magagalit siya.


“Eh kase para magmukhang maluwang! Tingnan mo nga ang itsura ng bahay mo! Magulo at masikip kase may mga unnecessary things na nandito pa rin kahit wala ng pakinabang.” Paliwanag ko sa kanya, sana naman maintindihan niya.


Medyo namula siya at nag-isip.


“Si-sige na nga! Pero huwag naman iyong super bago! Huwag mo lang alisin yung mga picture frame ng mga magulang ko diyan sa wall! Tsaka yung iba pa!” sabi niya na naka-pout!


Ang cute pala talaga nitong babaeng ito eh!

“Okay! We’ll start tomorrow! Bibili din ako ng ilang mga gamit na sa tingin ko ay kailangan natin! By the way, hapon na! Baka gusto mo ng magluto!” utos ko sa kanya. Gutom na kase ako eh! Hindi ko na nakuhang kumain kanina nung naglayas ako!


{Flashback}


“I’m gonna leave you, Dad! Hindi na ako masaya dito! Pati ang banda ko pinahihirapan mo! Mayaman nga ako wala naman akong kalayaan!” sigaw ko sa tatay ko. Ang gago niya, gusto niyang umalis ako sa banda at tumulong sa business niya.


“You shouldn’t act like that in front of me, Eurus! I am your father!”Sigaw niya. Kainis tinawag niya akong Eurus! Ayokong tawagin niya akong ganon kase malapit sa name niyang Eugene.

I fell in love with the weirdest girl named Nomomori!!Where stories live. Discover now