3rd Chapter: 10 weird things

9 1 0
                                    

ChrisNica's corner:

hello!! sensya na kung hindi ko to napagtuunan ng pansin!! kase naman, ang bias ko sa MY CLIMAX, OUR RESOLUTION! pero suddenly, naisip ko ang pinaka-plot nito kaya ayan, hindi na po on-hold!!! haha!!]

Please enjoy reading!!

***************************************************************************************************************

3rd Chapter: 10 weird things

[JANUS’ POV]

Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay nitong si Nomomori! Shet! Ang haba naman ng pangalan nitong si weird girl!


“Hoy! May nickname ka ba?” sabi ko sa kanya. Ang hirap kaseng bigkasin ng name niya. No-mo-mo-ri! 4 syllables! Yung akin nga dalawa lang eh!


“Uhm! Meron nga di ba! Pooh nga sabi eh!” nagkamot pa ng ulo ang babae.


“Wala na bang iba?” kahit sa palayaw ang baduy pa rin!


“Ah eh! Wala na! Bakit? Pangit ba yung Pooh? Kung ayaw mo, yung pangalan ko na lang kahit pangit!” tumayo na siya sa bangko at nagsimulang magligpit ng mga gamit! Mali ang pagkakakilala ko sa weird girl na ito. Feeling ko may itinatago siya. Hindi ko pa lang natutuklasan!


Nag-isip ako bahagya… iniisip ko kung anong pwedeng i-nickname sa kanya…


Hmmm.. Nomomori…


Nomo?


Momo?


Mori?


Nori?


Waaahhh! Wala akong maisip! Eh kesa naman Pooh! Para akong mahilig sa cartoons!


“Bakit kase Nomomori ang name mo? Tapos pipili ka lang ng nickname, Pooh pa!” reklamo ko sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagliligpit samantalang ako ay nakaupo pa rin.


“Yung pangalan ko kase ay galing sa pinagsama-samang pangalan ng mga magulang pati ng lolo’t lola ko! Yung palayaw ko naman, si Yuki ang may gusto nun!” paliwanag niya sa akin.


“…” tumahimik naman ako, wala na akong masabi eh.


“Ahm, ano…” nagsalita siya bigla, hindi siya tumitingin sa akin kase patuloy siya sa paghuhugas ng pinggan.


“Ano yun?” tanong ko naman, ano naman kaya ang iniisip nitong weird girl na ito?


“Ano nga ulit pangalan mo? At tsaka anong itatawag ko sa iyo?” namumula siya habang tinatanong niya ako.


Hah! Makakalimutin tong babaeng to! Dapat pala maglista ako ng mga ka-weirduhan nito.


1.   Hindi niya alam ang meaning ng Wanted bedspacer at freak

2.   Wala siyang pakialam sa itsura niya (even magmukha siyang hindi naliligo)

I fell in love with the weirdest girl named Nomomori!!Kde žijí příběhy. Začni objevovat