"Sabi sayo. Naririnig ka niyan...malapit na yang gumising. Nagiinarte lang yang Mommy. Sasampalin ko yan pag nagising na" natatawang sabi ni Augustine.


Hanggang sa isang araw ay unti unti akong nasilaw dahil sa ilaw mula sa kisame. Puting kisame ang bungad sa akin, tahimik ang buong paligid hanggang sa maramdaman ng buong katawan ko ang lamig.


Dahan dahan kong iginala ang aking mga mata. Nakita ko si Kianna na tahimik na nakaluhod sa may sofa kaharap ng kayang tablet. Mukhang nanunuod nanaman ng korean drama.

Nalipat ang tingin ko sa bumukas na pintuan ng banyo. Mula duon ay lumabas si Augustine.


"Asaan na ang Oppa ko diyan?" natatawang tanong ni Augustine sa anak ko. Gusto ko siyang tawagin, pero mas pinili ko na lamang na titigan siya.


"Mine is Moon gang tae, yours is moon sang tae po!" sabi ni Kianna then she giggles.


Nanlaki ang mata ni Gust. Tinuro niya si Kianna. " Manang mana ka sa Mommy mo ha!" pangaasar nito sa anak ko.


Nakangisi ito hanggang sa sumulyap siya sa akin. Sandaling sulyap lang iyon. Hanggang sa napahinto siya at muling tumingin sa akin. "Seraphine!" sigaw niya at mabilis na lumapit sa akin.


Napaawang ang bibig ko. Parang nagulat ang buong katawan ko sa biglaan niyang pagsigaw. Halos umikot ang paningin ko, hanggang sa tuloy tuloy na tumulo ang aking mga luha dahil sa bigat ng nararamdaman. Bumalik lahat ng alaala sa akin, sa kung paano ako gumising nuon sa hospital pagkatapos kong manganak, kung paano isiniwalat sa akin ni Mommy na patay na ang anak ko. Sa kung paano ako ilang beses na gumising sa hospital matapos kong magtangkang magpakamaty.

Hindi ko napigilang mapahagulgol. Halo halo ang nararamdaman ko. Kita ko ang pagkataranta ni augustine. May pinindot siya sa taas ng aking higaan hangga sa itinapat na din niya ang cellphone sa kanyang tenga.

Nagpatuloy ako sa pagiyak. Paulit ulit na bumabalik sa aking isip ang ilang beses kong paggising nuon sa hospital. Para akong natrauma na sa tuwing gigising sa lugar na ito ay wala akong ibang mararamdaman kundi kabiguan at sakit.

Sa gitna ng aking pagiyak ay nakita ko si Kianna na tahimik na nakatayo sa may paanan ng aking higaan. Namumula ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nagkagulo ng pumasok si Kenzo kasama ang ilang nurse.

"Bigla na lang siyang naging ganyan!" nagaalalang sabi ni Gust.

Mabilis na lumapit si Kenzo sa akin at niyakap ako. Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa kanya. Patuloy ang paghagulgol ko. "Shh...Sera. I'm here" malambing na pagaalo niya sa akin.


Napansin kong may kung anong itinurok ang nurse sa aking swero. Patuloy ako sa paghikbi habang nakayakap kay Kenzo at ganuon din siya sa akin. Hanggang sa huminahon ang buonh katawan ko, unti unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.

"Kenzo..." natatakot na tawag ko sa kanya. Ayoko ng matulog ulit ng matagal.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "It's ok, baby. It's ok..." pagaalo niya sa akin hanggang sa muli akong kinain ng antok.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog ulit. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata, nakahinga ako ng maluwag ng masigurado kong oras lang ang pagitan ng una kong paggising. Iyon pa din ang damit ni Gust at ganuon pa din ang ayos ng kwarto.


Sa kanilang tatlo ay ang mga mata ni Kianna kaagad ang sumalubong sa akin na para bang kanina pa siya nakatingin sa akin. Nakita ko ang panlalaki nh kanyang mga mata.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now