Mas lalong bumigat ang aking dibdib ng maramdaman ko ang mainit niyang palad na humaplos sa aking ulo, narinig ko ang pagtikhim niya, halos mamanhid ang aking buong mukha ng maramdaman ko ang marahan niyang pagpunas sa luhang lumabas sa aking pisngi.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap, hanggang sa naramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi. "Baby, come back" paos na sabi niya sa akin.

Nanatili ang pagkakapikit ng aking mga mata. Para bang ang tanging gising sa akin ngayon ay ang aking pandinig lamang. May naramdaman pa akong isang halik sa aking pisngi.


"Bye, mommy..." rinig ko ang mahinang paalam ni Kianna sa akin matapos niyang humalik sa aking pisngi.


Muling tumulo ang aking mga luha. Muli ko ding naramdaman ang mainit na kamay ni Kenzo sa aking mukha para punasan ang aking mga luha. "Does this mean, naririnig niya tayo?" tanong ni Augustine.

Wala akong nakuhang sagot mula kay Kenzo. Siguro ay tango na lamang ang naisagot niya sa aking kaibigan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Ramdam ko din ang paglapit ng presencya ni Gust sa akin. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking ulo.


"Hay, Seraphine...gumising ka na diyan. Aagawin ko mag ama mo! Sige ka!" pananakot niya sa akin. Tumawa siya na parang baliw hanggang sa marinig ko ang pagsinghap niya dahil sa pagiyak.


"Tangina ka talaga. Ang kulit mong babae ka. Sabing wag gamitin ang killer car. Bwiset!" reklamo niya sa akin. Gustong gusto kong yakapin ang kaibigan ko ngayon. Simula pa lang sa una ay ramdam ko na ang pagmamahal niya sa akin. Napakaswerte ko dahil naging matalik kong kaibigan si Augustine.


Matapos kong marinig iyon ay hindi ko na ulit alam kung gaano ako katagal nakatulog. Hanggang sa muli akong makarinig ng mga boses. Hindi ko sigurado kung ilang araw o oras ang pagitan ng mga iyon.


"Ang kakapal naman ng mukha nila!" rinig kong asik ni Augustine.


"Hindi naman ako papayag na makuha nila iyon. Binili ko iyon para kay Sera" seryosong sabi ni Kenzo. Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko ng mapansin kong medyo ok na sila ni Augustine.


"Dapat lang! Grabe ang dinanas ni Sera sa kanila. Gusto pa kaming ipakasal nuon, goodness! Nakakadiri iyon" maarteng sabi ni Augustine.


"You are really a..." hindi na naituloy ni Kenzo ang sasabihin niya ng mabilis na sumabat si Gust sa kanya.


"Yes! Mr. Herrer, kung hindi ko pa sinabi sayo eh baka nasuntok mo pa ako sa mukha. Sayang naman ang pafacial ko..." maarteng sabi ni Gust. Gusto ko sanang makita ang reaction ni Kenzo pero hindi ko magawa. Hinayaan ko na lang muna ang aking sarili na marinig sila.


Ilang oras pa siguro ang lumipas nuon hanggang sa marinig kong nagpaalam ito. "Ako na muna ang bahala kay Kianna"

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hanggang sa may naramdaman akong maliit na kamay na humawak sa aking mukha. "When will Mommy, wakes up?" rinig kong tanong ni Kianna.

I miss her so much. Gusto ko ng makita siya.


"Kausapin mo siya. Naririnig ka niya, sige na...gigising yan pag ikaw ang nagsabi" panghihikayat ni Gust sa kanya.

Halos mamanhid ang mukha ko ng maramdaman ko ang unti unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko kaagad ang hininga niya sa aking bandang tenga.


"Mommy, I'm sorry...wake up na po" malambing na sabi niya. Muling tumulo ang masasagang luha ko.

"Tito. She's crying..." natatarantang sabi niya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant