There. Nasabi ko na.

Since naman nagbreakdown nadin tong relationship namin. Itutuloy ko nang tapusin kaysa naman ipilit pa.

"Fine. But I'm not with her yet." sagot niya sakin at naglakad nalang siya palayo.

Siguro tama nadin ginawa ko. Akala ko mapaapa-iyak siya or something pero hindi. Mas mabuti nadin siguro yun kasi baka pag ganun reaksyon niya maawaa pa ko sa kanya.

It's better off this way.

September 8, 2014; 8:15 A.M.

 

Bakit kung kailan ako lumayo sa kanya, tsaka siya ngayon parang gustong lumapit sakin.

 

Sa tuwing makakasalubong ko siya, ngingitian niya ko at mapapahinto siya na parang gusto niya akong kausapin.

Minsan nawawala nadin ako sa sarili ko na napapabulong ako na 'sige na, kausapin mo ko. Please.'

Pa-chix lang di ba? I'm such a coward.

Ayaw ko nalang din naman na kasi siyang guluhin.

At isa pa paano kung malaman niya? That would be worse than this.

 

She'll hate me if she find out.

"Ian?" bigla kong narinig si Sky na hindi ko napansing nasa harapan ko na pala.

"Hmm?"

"Gusto mo sumama samin ni Kishi mag breakfast?" tanong niya sakin.

These past few days magmula nung makipagbreak ako kay Leila, narealize kong may best friend pala akong laging nasa tabi ko. Mula pa noon lagi ko ng kasama si Sky and he always says I'm awesome, cool at lahat na ng puri nabigay niya sakin.

Don't get me wrong but this is not that kind of 'bromance'.

He's like a littlle brother to me at ako naman tinuturing niya akong kuya. Dati siya ang una kong nakilala dito nung lumipat ako, tahimik at nabubully pa siya noon. Siguro ang dahilan nadin kung bakit mataas ang tingin niya sakin ay dahil sinabihan ko siyang lumaban siya and he did. From then on kami na magkasama hanggang naging lima kami and we start doing what were doing.

Una katuwaan lang talaga namin to.

But it became our habit. Si Kishi ang unang nagsalita, childhood friend ni Sky na hindi niya din mahiwalayan. Tumiwalag si Kishi samin at sa laking gulat ko, hinayaan siya ni Sky at hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan, pero ang paniniwala ko dahil to kay Catie. Nagsimula akong layuan siya, not physically pero about sa samahan namin. Magkasama nga kami lagi sa grupo pero parang hindi naman kami magkakilala. Dun siya nagsimulang maging emotionless.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon