Prologue

382 78 97
                                    

A/N: this prologue is inspired from all the hardships i had in my life. I hope you'll feel me! 😊


***

"AHHHHH!.............."

"AYOKO NA!..............."

"P*TANG-IN*NG BUHAY TO!"

"BAKIT GANITO HA???? BAKIT SA DINAMI-RAMI NG TAO AKO PA HA? BAKIT AKO PA??????"

Malakas ang sigaw niya sa langit. Nagbabakasakaling umabot sa kalawakan ang kanyang sigaw.

Napakalakas ng sigaw niya habang halos hindi na siya makakita dahil sa luhang tumatabon dito. Malakas din ang kanyang singhot. Ipinahid niya ang likod ng kamay sa ilong kung kaya't ang sipon ay gumawa ng tulay mula sa ilong hanggang sa kanyang kamay. Ipinahid niya ang kamay sa laylayan ng damit at pagkatapos ay itinaas niya ito upang ipahid sa kanyang ilong. Nakakadiri mang isipin pero wala na siyang pakialam. Ibinitin niya ang leegan ng kanyang damit at ito ang ipinahid sa luhang pumuno sa kanyang mukha.

Dahil sa pagod sa pagsigaw ay naisipan niyang umupo muna ngunit sa pag-tapak ng paa niya ay may nakakalat palang plastic bottle kaya natumba siya patihaya sa matigas na simento. Mabuti na lamang at hindi nabagok ang kanyang ulo.

"MAMAAAAA........ " malakas na sigaw niya. Sino nga bang mama ang tinatawag niya? Hindi niya alam. Heto nanaman at naiiyak nanaman siya. Nanatili lang siyang nakahiga Tiningnan niya ang mga bituwin na kitang-kita ng kanyang mata kahit saan niya ikutin ang mata.

Naroon siya ngayon sa rooftop ng isang ospital. Kakagising niya lang simula ng dinala siya dito at hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya. Pagkagising ay pinagtatanggal niya ang nakakabit na dextrose kahit ang sakit-sakit ng buo niyang katawan saka siya umakyat sa taas ng building. Mabuti nalang at walang nurse na nakapansin sa kanya.

Itinaas niya ang dalawang kamay at umaktong kukunin ang mga bituwin. Nabalin ang atensiyon niya sa kamay na puno ng mga pasa. Ayan! Naiiyak nanaman siya. Ibinaba niya ang mga kamay at pinagmasdan nalang ang kalangitan.

"Sana, sana isa nalang din akong bituwin katulad niyo. Hindi nasasaktan at walang pakialam. Sana katulad niyo din ako na ang trabaho lang ay magbigay liwanag sa dilim." patuloy lang sa pagluha ang kanyang mga mata.

Tumayo na siya at naglakad papunta sa pinakadulo ng rooftop. Tumuntong siya sa nag-iisang baitang na pwede mong apakan bago mahulog.

Tumingala siya sa langit pagkatapos ay sa baba. Naisip niyang ang liliit lang ng mga sasakyan. Parang laruan. Kapag kaya nahulog siya doon ay madudurog sila? Masyado silang maliit sa paningin niya para hindi madurog. Itinuon niya ang kamay sa dumadaang sasakyan at sinukat kung gaano ito kalaki.

Hanggang 15th floor ang ospital na ito at nasa rooftop siya. Siguradong hindi niya na mararamdaman ang sakit kapag tumalon siya dito.

"Bakit ka tatalon Hija? "

Nagulat siya sa boses na narinig. Isa itong matandang lalaki na sa tingin niya ay nasa idad sixty pataas. Nakasuot ito ng puting t-shirt, black slacks, black shoes at Panama hat. Malinis siyang tingnan at mukhang hindi naman masamang tao. Nakatayo ito katulad niya sa dulo ng rooftop.

Hindi siya nakasagot kaya nagtanong ulit ito.

"Ano ba ang problema mo at gusto mong magpakamatay?" seryosong saad ng matanda.

"Pagod na po akong mabuhay! " malungkot at nakayuko niyang sagot.

" Bakit hindi ka magpahinga at ipagpatuloy ulit ang buhay kinabukasan? "

Napailingn naman siya sa sinabi niya. "Kahit po ilang beses akong magpahinga, gano'n at gano'n parin po ang nangyayari sakin. Pagod na po ako lo!" at napahagulgul nanaman siya ng iyak.

The Journey of a Wimpy GirlWhere stories live. Discover now