Chapter 5

3 2 0
                                    

Chapter 5: Invitation

A

pril's P.O.V

Napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa inis at panlulumo. My baby!!!

Tumayo na ako nang mapansin kong para akong tanga. Dumeretso ako sa office ng landlady ko at humingi ng susi. Unfortunately, iyong susi na nawala yun na yung last na susi sa condo ko third time ko na kaseng nawala yung susi ko. Sabi ni Madam Polka baka bukas pa magawa yung door ko since gabi na.

Umalis na ako sa office at umupo sa waiting area. Five minutes na akong nakaupo doon ng biglang may tumawag sa phone ko. Si mama pala.

"Hello ma?"

"Anak sabi nung landlady mo nawala mo nanaman daw yung susi mo. Ok kalang ba? Dito ka kaya muna sa bahay? Ipapasundo naba kita?"

"Ok lang po ako ma, ok lang po ba if dyan muna ako mag stay overnight?"

"Oo naman o siya sige ipapasundo na kita sa driver natin. Hintayin mo ah"

"Sige po ma, bye po"

"Bye anak, see you"

Naghintay ako saglit hanggang sa dumating na si manong Richard. Sumakay na ako sa sasakyan at nag drive na si kuya Richard papunta sa mansion namin. Minsan lang ako pumunta sa mansion simula kase nung makapag tapos ako ay bumukod na ako. Ayaw ko kaseng mag stay sa bahay lalo na kung nandoon si papa, masyado akong nabuburden sa utos nya tungkol sa business. Nakakasawa.

Minsan gusto ko ring mabuhay nang naayos sa gusto ko. Mas gusto ko pang mag travel around the world at maging photographer pero kaagad na tumutol doon si daddy kaya kahit ayaw kong mag manage ng business, no choice ako kundi sundin ang gusto ng mas nakakatanda sakin. Namulat ako sa kasabihan na tama ang mga matatanda. Ako kaya? Kelan magiging tama? Kelan kaya ako tatanda sa paningin ni daddy?

Nakarating na kami sa mansion at sinalubong kami ni mama. Pagkababa ko sa sasakyan ay niyakap nya kaagad ako. Inaya nya kaagad ako na pumasok sa bahay. Malaki ang aming bahay. Semi-modern ang style. White and yellow ang kadalasang makikitang kulay sa mga gamit. Pagpasok mo ay bubungad sayo ang malawak na espasyo. May malaking chandelier sa gitna. May dalawang pinto sa magkabilang gilid. Ang kaliwa ay papunta sa sala ang sa kanan naman ay sa silid kainan. Sa gitna naman ay may hagdan patungo sa mga silid.

Umakyat na kami ni mama. Pag akyat namin sa hagdan ay naroon ang hallway. Red carpet ang sahig at may mga paintings na nasa gold frame. Huminto ako sa pang apat na pintuan at pumasok doon. May kama, sariling banyo, walk-in closet at may terrace pa. May mga koleksyon din ako ng mga libro. Kaagad kong tinanggal ang heels ko at ibinaba ang bag ko bago humiga sa higaan ko. Soon after that nakatulog na ako.

Fast forward (9:00 am)

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Inayos ko muna ang higaan bago ako dumeretso sa cr para maligo at mag toothbrush. Pagkatapos non ay nagbihis na ako para pumasok. I just wore my white polo na medyo maluwag sa akin at tinernuhan ko ito ng jeans at nag white heels ako. Kinulot ko ang ibabang bahagi ng buhok ko at saka nagsuot ng kaunting accessories at white heels.

Pagkatapos kong magpabango, nilipat ko ang gamit ko sa white hermes bag ko bago ako ako nagpahatid sa driver namin since naiwan ko nga yung isa ko pang kotse sa condo. Pinabaunan din ako ni mama ng pagkain na niluto nya. Kainin ko nalang daw sa opisina dahil malilate na ako. Pagdating ko sa company ay kaagad akong pinapasok ng guard. Bawat empleyadong madadaanan ko ay binabati ako kaya naman panay rin ang bati ko pabalik. Nang makapunta nako sa elevator na para sa mga may matataas na posisyon lamang sa kompanya ay doon palang ako nagkaroon ng kapayapaan. Bumaba ako sa floor ng opisina ko at kaagad naman akong sinalubong ni Friah ng mga papeles ng mga nagbayad at may utang na pasyente.

"Goodmorning ma'am" aniya at ngumiti

"Goodmorning" sagot ko at kinuha ang kalahati ng buhat nyang papeles para hindi sya mahirapan. Inilapag ko sa lamesa ang papeles at umupo na ako sa swivel chair ko. Nag unat muna ako bago ko binuklat ang mga papeles. Mamaya ko na siguro kakainin yung pinabaon ni mommy since di pa naman ako gutom.

10:30 nang naramdaman kong tumunog na ang aking tiyan sa gutom. Kinuha ko sa ilalim ng desk ko ang baunan at kinain ang breakfast ko. Bacon, itlog at slices ng hotdog ang ulam ko. Tinawag ko si Friah para tanungin kung nagbreakfast na sya, sabi nya dinalhan daw sya nung gwapong doktor ng pagkain nya kanina. Kinikilig ako para sa kanila. Sana all. I wonder kailan kaya ako magkakajowa?

"Huy!"

"Ay jowa!" gulat na sabi ko. Tinignan ko ang nakakairitang lalaki sa harapan ko.

"Anong ginawagawa mo dito Evan?" inis na sabi ko.

"Wala kinakamusta ka. Balita ko ninakawan ka daw ng kotse?"

"Ang chismoso mo. At kanino mo naman nalaman iyan aber?"

"Evan is my name, nalaman ko kay friah kagabi"

"Ha? Pano mo naman nalaman number nya" napataas kilay ko

"I asked for it. Nung monday nung dineliver namin yung equipments"

Hay nako talaga tong si Friah napaka daldal. Sinabi ko kay friah ang nangyari kagabi habang nakaupo ako kahapon sa waiting shed kaya naman alam nya, hindi ko naman aakalaing ichichika nya ito kay Evan. Likas na madaldal talaga itong si Friah, araw araw may chika tungkol sa buhay nya pero maasahan naman ito pagdating sa pagtatago ng mga sikreto. Pag nakasama mo sya hindi ka mabobored kasi marami syang kwento sa buhay nya. Mukha lang syang tahimik sa first impression pero pag naging komportable siya sayo, dinaig nya pa ang dami ng pages sa dictionary sa dami ng chapter nya sa buhay.

"Ok" sagot ko na lamang sakanya. "Marami pa akong gagawing trabaho Evan, next time ka nalang mangulit.

"Ok. Itatanong lang naman sana kita if gusto mong mag night swimming sa terrace ko sa weekend, hindi ko naman kase alam yung number mo kaya pinuntahan nalang kita dito."

Kaagad na nagningning ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Omg, talaga? Shems!"

"Yeah, you can invite friah too. Nandoon din si Zoe, paniguradong magkakasundo kayo"

"Bakit narinig ko pangalan ko dyan?"

"Hey Friah, sakto, I was inviting April to a night swimming wanna come too?"

"Yeah sure, pwede ko bang isama si Zailer at Jeiana?" oo nga pala.

"Oo naman. Mas marami, mas masaya!"

After nyang sabihin yung oras, nung night swimming ay umalis na kaagad sya dahil may pupuntahan pa daw siya. Itinuloy ko nalang ang ginagawa ko. Nung wala na akong magawa ay dumeretso na ako sa main hospital katabi lang netong company na part din ng hospital. Mag shishift muna ako as nurse since wala narin naman ako kailangang gawin sa office. Si Friah naman sumama pa sakin. Saglit lang daw sya sisilipin nya lang yung crush nyang doctor na si Zailer. Kala mo naman talaga hindi nagkikita. Naghiwalay na kami ni Friah nung maihatid ko na sya sa opisina ni Zailer. Nag assist nalang ako ng mga pasyente at paminsan minsan naman ay nasa recieving area ako. Natapos ang araw ko nang busy sa mga pasyente at pagsasabi sa mga nais bumisita ng room number ng pupuntahan nila.

To be continued...

Polaroids of AprilWhere stories live. Discover now