C.1

26 0 0
                                    

*Its going down, I’m yelling Timber, you better move, you better dance~

Matagal bago ko nahanap yung cellphone ko na naga-alarm. Nakatulog kasi ako kagabi habang nagsesend ng

nobela kay Seth sa Facebook. This has been my hobby for the past 12 months. Sanay na ako na magka-layo kami,

at masaya ako sa ginagawa ko. Sino ako?

I am Rina Alexia Yamaguchi. Alex sa friends ko, Lexie para sa mahal kong si Seth. 

Bakit Yamaguchi? Kasi Japanese ang father ko, pero my mom is a Filipina.

Dun kami nakatira until matapos ko ang grade school. Umuwi ako ng Pilipinas para dito mag-high school at college. Sila? Nandun pa din.

19 years old na ako. 3rd year college student sa Bronzeville International School. Long black hair, chinita, maputi.

Typical na half haponesa.

———

[Alex’s POV]

Pag-pasok ko ng school, dumeretso ako sa music hall. Part kasi ako ng official band ng Bronzeville. Bassist. Kala niyo vocalist noh?

I can sing pero, well, mas may passion ako for guitars. All the more yung bass. Ako lang yung babae samin 3. Well, 4 kami before pero grumaduate na

yung vocalist namin. Kaya this year, nagpa-audition kami for a new vocalist.

‘Oy, Alex. Good morning. Aga ha. Himala.’ sabi ni Brent. Siya yung drummer namin. Sa aming tatlo, siya yung laging masaya,

madaldal, good mood. Siya din nakakapagayos pag may di magkasundo. In short, siya ang tumatayong head.

‘Himala agad, hindi ba pwedeng nagising lang ng maaga?’ biro ko sakanya. Naupo ako sa tabi ni Nate na ngumiti sakin paglapit ko, at tumuloy sa paggi-gitara.

‘Busy ka sir?’ sabi ko sakanya.

‘Medyo tagilid kasi tong kanta. Kailangan ng dalawang vocalists.’ sabi ni Nate sabay hawi ng buhok niya pataas. Ang gwapo talaga ng nilalang na ‘to. Well, parehas sila.

Pero don’t get me wrong. We have a strict ‘No dating of band members’ policy. Sabi kasi ni Brent yun daw madalas cause ng paghihiwalay ng banda. And we agree naman.

‘Edi tayo nalang dalawa. We can both play and sing naman’ Sabi ko.

‘Yun nga unang naisip ko…’ 

‘kaso?’

‘kaso kelangan ng dalawang guitars, too. Isang lead, isang ryhthm.’ sabi niya sabay pout. Gwapo kainis. -________-

‘What about sa result ng auditions? Any updates?’ tanong ko.

‘Nope. Walang maka-match sa kailangan natin.’ sagot ni Brent habang lumalapit samin.

*Silence*

‘Nasi-CR ako.’ sabi ko after ilang minuto ng katahimikan.

Natawa naman yung dalawa. Minsan daw talaga nakakalimutan nila na may babae silang kasama.

Palabas na ako ng pinto ng mag-vibrate phone ko. Agad ko tong nilabas kahit naglalakad ako papunta sa pinto.

Baka si Seth na ‘to! 

Habang tinitignan ko kung ano yung nagnotify sa phone ko…

*BLAAAAAAG*

“Ouch.”

Yan na lang ang nasabi ko habang nakahiga sa sahig, hawak hawak ang noo ko. Bakit? Kasi nung nakatingin ako sa phone ko, may nagbukas ng pinto.

At dahil swerte ako ngayon, tumama sa mukha ko. Sapul ba.

Narinig ko tumatakbo sa tabi ko si Nate at si Brent.

‘Uy, Alex, Okay ka lang?’ Narinig ko sabi ni Brent. Kahit kelan talaga parang kuya ko na ‘to. Super protected ako sakanila.

‘Ang sakiiiiiit. -________-‘ Sabi ko sabay pout, habang hinihimas noo ko.

‘Pre, wala bang sorry diyan. Nasaktan mo tropa namin oh. ‘Bat ka ba bigla biglang pumapasok? Nakareserve sa amin tong hall ng ganitong oras.

Sigurado ako nakasulat yun sa pinto.’ sabi ni Nate sa kung sino mang anak ng mokong na yun na pumasok sa pinto.

‘Nabasa ko. Magau-audition ako.’ sabi ng super gwapong boses. Napatingala ako agad at dumapo ang mga mata ko sa isang sobrang gwapong lalaki.

Matangkad siya. Singkit. One- sided ang buhok in a way na bagay sakanya. Hindi mukhang Emo.

Sorry, Seth, pero sobrang gwapo talaga! Nalaglag yung panga ko! Pakipulot, please.

Nagkatinginan si Brent at Nate. Ako nakatulala pa din sa anghel na nasa harap ko. Nawala na ata yung sakit ng noo ko.

‘Audition? Walang audition ngayon. Next month meron ulit. Dun sa may assembly place ng school.’ Seryosong sagot ni Brent, habang tinutulungan ako tumayo.

‘Kailangan ko makapasok sa band niyo TODAY.’ sagot ni Mr Gwapo.

‘Sorry pre, negative.’

Biglang may nilabas na papel yung lalaki, at inabot niya ito Brent. Tinignan ito ni Brent saglit. Mukhang nagulat si Brent pero mabilis siyang nakarecover.

Binalik niya yung papel sa lalaki, sabay sabi ng:

‘You’re in.’

Parehas kaming napatingin ni Nate kay Brent.

Yung lalaki nagsmirk lang, sabay labas ng pinto.

What the heck just happened?

After Everything Has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon