Prologue.

47 0 0
                                    

“Tatlong taon. Sa tatlong taon na yun, parte ka ng kung sino ako. Bawat hinga ko, 

bawat kilos ko, kahit saan ako magpunta, hindi kumpleto pag wala ka.

Para kang parte ng katawan ko. Di ako mapakali pag may mali, pag may kulang.

Sa pang apat na taon, kahit wala ka, bawat kilos ko nakasend sa Facebook mo.

Bawat pagkain na kainin ko, naka-tag sayo.

Apat na taon, Seth. Wag mo naman itapon lahat ng pagmamahal sa isang gabi lang, please?”

“Hindi ko pwedeng itapon ang matagal ng wala, Lexie. I’m sorry.”

At kahit bawat hinga ko ay parang unti unting dinudurog yung puso ko, tumungo ako, at binigyan siya

ng isang maliit na ngiti.

Walang luha.

Tumayo ako at ganun din siya.

At sa huling pagkakataon sa loob ng apat na taon, niyakap ko ng parang walang bukas ang lalaking

pinakamamahal ko.

At sa yakap na yon, iniwan ko ang lahat ng nararamdaman ko.

After Everything Has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon