C.12

12 0 0
                                    

[Alex's POV]


What? Tama ba 'tong naririnig ko? Si Raizza na sobrang friendly noon, tinatarayan ako?

  

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yang balita mo, Raizza, pero hindi ko alam ang sinasabi mo." Sagot ko sakanya. Pero dahil hindi ako magaling magsinungaling, hindi ako makatingin ng direkta sa mga mata niya. Sa halip ay tumingin ako sa sahig.


"Really? How dare you. You know, I treated you as a friend. Hesitant ako at first to study here pero since Seth needs me, I've decided to come with him. And then, halfway through the year, may someone like you na magta-try na agawin siya. And in what way? Yung kakaibiganin mo at first? My gosh, Alex, that's really an old style." Kitang kita ko sa mga mata niya na matindi ang galit niya sakin. Hindi ko alam kung pano ko sisimulang sabihin sakanya yung nakaraan namin ni Seth. Kung si Seth nga mismo hindi niya maalala, paano pa kaya si Raizza na XMZ X C si Seth?


"I don't know what you're talking about, Raizza. Let's stop this. This is nonsense lang." Mahinang sabi ko sakanya.


Laking gulat ko nalang nang sa halip na sagutin niya ako ay bigla niya akong sinampal.


At bago pa man ako maka-recover sa sampal niya, sinampal niya ulit yung kabilang pisngi ko.



This is just too much. Hindi ako makasalita. Naka-hawak lang ako sa pisngi ko.


 "Don't you dare get near my boyfriend, Alex. I am warning you." Unti unti pa siyang lumalapit sakin at ako naman ay napapa-atras.


"STAY. THE. DAMN. HELL. AWAY. FROM. HIM."


At matapos niyang isigaw sa mukha ko yun, ay itinulak niya ako ng malakas kaya napa-atras ako ng malakas sa may binatana. Pero hindi tumama ang likod ko. Nahinto ko yung impact gamit yung braso ko.


 Pero mas nagulat ako nung makita ko si Raizza na bumagsak sa sahig.

  

"You stay the damn hell away from her."


Nabaling ang tingin ko sa nagsalita. 

  

Chris?


Parang ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siyang papalapit sakin.


Galit na galit yung mukha niya kaya hindi ako naka-galaw o nakapagsalita nung nasa harap ko na siya. Nakatitig lang siya sa mukha ko pero natuwa naman ako nung nakita kong lumambot yung expression ng mukha niya at hinawakan niya ng dahan dahan yung kanang pisngi ko.


 Parang may kuryente na dumaloy samin nung nag-tama yung mga balat namin. Tinanggal naman niya ito agad at huminga ng malalim. Kasabay nun ang boses ni Seth, na kakapasok lang ng room at nakita na siguro yung eksena.


"What's going on?" Tanong ni Seth. Hindi siya sumigaw pero sa ilang taon naming magkasama, alam na alam ko sa mahinang boses niya na sobrang galit na siya. Walang sumasagot saming tatlo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After Everything Has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon