[Alex’s POV]
“Alam mo, you remind me of someone.”
Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Sa palagay ko parehas naman kaming walang makita kaya mabuti nalang at madilim dahil para hindi niya mahalata ang pula ng mukha ko.
“Ta-talaga? Sino naman yun?”
Matagal bago siya sumagot. Akala ko nga hindi na siya sasagot eh. At nung magsalita siya, parang ang bigat sa loob niya na ikwento ito.
“Hindi ko ‘to madalas ikwento sa iba pero dahil pakiramdam ko magaan ang loob ko sayo, okay lang naman siguro. Ayaw din kasi ipakwento ni Raizza sakin at baka daw ma-stress ako masyado. Well, anyway, the reason kung bakit ako huminto ng isang taon ay dahil inoperahan ako. Sa utak. That was one year ago, and nacomatose ako sa loob ng anim na buwan. Pag gising ko, andun na pala kami sa states nakatira. Matagal pa din ako nagstay sa ospital. Actually, dun ko nakilala si Raizza. Yung mommy niya kasi isa sa mga nurse dun. But you know what’s weird? All this time, parang may kulang sakin. I don’t know what. My parents wont talk about my past at hindi ko din alam kung bakit. But when I saw you, you keep on reminding me of someone. Someone whom I can’t remember.”
Hindi ako umimik. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Kaya pala. Kaya pala hindi niya ako maalala. Bakit kaya ayaw sabihin ng parents niya? For all I know, okay naman kami. Sa tagal namin na yun, they welcomed me in their house as warmly as we welcomed them in ours. Mas masakit pa pala na sa gantong paraan ko malalaman.
Pero pag hindi ko pa ito sinabi, ayokong pagsisihan ko habang buhay na wala akong ginawa para maalala niya ako. Para magkaroon ng chance na magkabalikan kami.
“Sa totoo lang, Seth, matagal na kitang kilala.”
“A-anong sinabi mo?”
Huminga ako ng malalim bago ko sabihin ang katotohanan.
“Matagal na kitang kilala. At sa tagal ng pagkakakilala ko sa’yo, alam na alam ko na lahat ng mga bagay tungkol sa’yo. Allergic ka sa nuts, laging kulay blue ang toothbrush na bibinili mo, paborito mong kainin ang cereals ng walang milk, lagi kang nakaharap sa kaliwa mo pag natutulog, at dapat laging may tubig sa side table ng kama mo dahil natatakot kang bumangon sa madaling araw para kumuha ng tubig.”
“Pa-paano mong nalaman ang mga yan?” Walang halong pagaakusa ang tanong ni Seth, purong tanong lang.
“Dahil ako ang girlfriend mo na pinangakuan mong babalikan mo bago ka nagpunta sa America para sa operasyon mo.”
At pagkasabing pagkasabi ko nun, bumukas ang pinto at may sumigaw ng pangalan ko, habang tumatakbo palapit sakin.
“ALEX! Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?”
At kahit madilim, alam na alam ko na boses ni Chris yun.
“Tss, wrong timing.” Bulong ko.
YOU ARE READING
After Everything Has Changed.
Romance“Tatlong taon. Sa tatlong taon na yun, parte ka ng kung sino ako. Bawat hinga ko, bawat kilos ko, kahit saan ako magpunta, hindi kumpleto pag wala ka. Para kang parte ng katawan ko. Di ako mapakali pag may mali, pag may kulang. Sa pang apat na...
