CHAPTER 7

40 2 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Naipikit ko ang aking mga mata. Ayaw pa rin maniwala ng aking isip sa mga narinig  kong linya mula sa kanila. Iba yung kilig at kaba na nararamdaman ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at alam kong dahil iyon sa kanilang pareho.

Sumibol na muli ang nararamdaman ko kay Calej. Gustong kong sumigaw sa sobrang tuwa pero iniisip ko pano kung nagbibiro lamang siya. Paano kung nagbibiro lamang sila.

Kahit sinong babae matutuliro kung ang dalawang lalaki na ito mismo ang aamin sayo. Alam kong hindi ako kagandahan—aminado ako.

'Kayo ba ay nag d-drugs na pareho?!' hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa mga bibig ko.

'ANO!???!' sabay nilang sigaw na siyang ikinagulat ko.

'Bakit ba parati na lang koro kayo kung magsalita!? Alam niyo, kung nang titrip lang kayo—awat na.'  at tuluyan ko na silang tinalikuran. Narinig ko pa ang marahang pagtawag ni Aaron sa akin pero hindi ko na ito pinansin.

Isipin na nila kung ano gusto nilang isipin. Choosy, feeling maganda, asa, ambisyosa at kung ano-ano pa.

May parte sa sarili ko na gusto kong paniwalaan ang sinabi nilang pareho lalo pa at ang katotohanan na gustong-gusto ko si Calej.

Pero hindi ko pa rin masisi ang sarili ko na mag dalawang isip kung paniniwalaan sila dahil na rin sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Nakauwi ako sa bahay na tulala pa rin. Walang imik at patuloy na ginugulo ang aking isip at wisyo ng tagpong nangyari kanina. Kumain lamang ako ng kaunti at bumalik din agad sa aking kwarto para aralin ang mga leksyon na dapat kung basahin.

'Gusto kita'

'Gusto kita'

'Gusto kita'

'Gusto kita'

Nasabunutan ko ang aking sarili dahil sa paulit-ulit na mga salitang iyong sa aking tenga. Hindi ako makapukos sa libro aking binabasa dahil sa kanila. Mga bwiset!

Masama ang loob na itiniklop ko ang aking libro at napagdesisyonan na matulog na lamang at isantabi ang mga kaganapan kanina. Ngunit lumipas na ang ilang oras na nanatiling gising ang aking diwa at hindi ko na kailangan na lokohin ang sarili ko dahil panigurado akong dahil ito sa tagpo na nangyari.

Inaamin ko na nagdulot ang sinabi ni Calej sa akin ng pag-asa. Pag-asa na sana pareho ang aming nararamdaman sa isa't isa. Ngunit sa kabila ng saya na aking nararamdaman naroroon ang pagkabigla at pagtataka kung bakit kailangan ay pareho pa talaga silang mag kaibigan at ang katotohanan na iyon ay nagdulot sa akin ng kaba at pagkadismaya dahil paano na lamang kung nantitrip lang sila.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na tinutulungan ang aking sarili na makatulog pero ayaw makisama ng aking isip.

Kinuha ko ang aking cellphone at nilibang ang aking sarili. Naikot ko na ang lahat na app sa aking selpon ngunit hindi pa rin ako inaantok.

'RECIEVED: Stiil awake huh? Iniisip mo siguro ako no?'

Napaayos ako ng higa ng biglang nag pop up sa akin ang mensahe ni Calej. 

Napakurap ako at muling tiningan ito at sinigurado kung talagang si Calej iyon.

Hindi ko alam kung bubuksan at sasagutin ko ba ang chat niya na iyon. Kinikilabutan ako dahil sa kilig at kakaibang nararamdaman ko.

Marahil ito na siguro ang katuparan ng ilan sa mga panaginip ko na balang araw ay magugustuhan niya ako pabalik.

Shit! Naikuyom ko pa ang aking kamay dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A MAN IN MY DREAMSWhere stories live. Discover now