CHAPTER 4

45 12 8
                                    

CHAPTER 4

Maaga akong nagising. Sinadya kong agahan pa ito kesa sa karaniwang gising ko tuwing umaga. Nakakahiya naman kasing paghintayin ang driver nila Calej.

Bumaba ako at agad na tumungo sa kusina upang ipaghanda ng almusal sila mama. Napaaga talaga siguro ang gising ko dahil maging si mama na laging maagang nagigising ay hanggang ngayon ay tulog pa.

Sinangag ko lang yung kaning lamig na tira namin kagabi at nag prito rin ako ng itlog at ham. Pinakuluan ko na rin ang tsaa na palaging iniinom ni mama at hinanda ko na rin ang kape sa coffee maker. Habang hinahanda ang lahat hindi ko maiwasan na isipin ang huling message sa akin ni Calej.

Muli ko naman sinariwa sa aking isipan ang kaniyang sinabi kahit pa nasa pamamagitan lamang ito ng social media.

Hangad ko ang malambot na halik saiyo ng unan,
Ang mainit na yakap mula saiyong kumot ang iyong maranasan,
Ang matamis na panaginip at mahimbing na tulog ang iyong masumpungan,
Good night and see you tomorrow Andy.

Hindi ko maiwasan na mapangiti na masaulo ko ng ganoon kabilis ang tugma na iyon. Simula pa kagabi nagliliparan na ang mga paru-paro sa aking tiyan at maging ngayong umaga ay hindi ko maiwasan na kiligin.

Matapos maihanda ang lahat ay naligo na ako at inayos ang sarili. Simpleng dress lang ang napagpasyahan kong isuot. Kulay dilaw ito na may kaunting timpla ng puti sa gilid. May kaiklian ito ng kaunti pero hindi naman malaswang tingnan. Pares naman na flat shoes ang napili kong ipareha dito. Naglagay rin ako ng kaunting make up.

Nang makita at pagmasdan ko ang kabuuan ko sa salamin ay namangha ako sa aking sarili. Lumitaw kahit papaano ang ganda kong naitatago.

Nag aagahan na kami ng biglang tumunog ang doorbell namin at nasisiguro kong yung driver na iyon nila Calej.

‘Ako na.’ presinta ni mama.

Pumasok na muli si mama at nasa likod niya si Calej. W-what? Akala ko ba driver nila ang susundo sa akin. Jusko day!

Kaygwapo niyang tingnan sa umagang ito. Parati naman gwapo siya sa paningin ko pero iba lang ang dating niya ngayon. Bagong ligo, nakasuot na plain na t-shirt na puti at signature short na kulay asul. Dumagdag din sa kagwapohan niya ang nakasabit na black sunglass sa dibdib niya. Kaloka na this!

‘Good morning po Tito, Good morning Andy’ pinigilan ko ang sarili kong kiligin nang tawagin niyang Tito si papa. Alam kong normal lamang iyon pero hindi ko maiwasan na kiligin.

Maupo ka iho.’ yaya ni papa sa kaniya at agad naman itong naupo sa upuan sa tabi ko.

Naamoy ko ang umaalingasaw niyang pabango maging ang shampoo na ginamit niya. ‘Anong ginagawa mo dito?’ nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Sinusundo kita.’ sagot niya sa akin na may kasamang ngiti.

‘Mag almusal ka na muna iho. Ano nga pala ang pangalan mo?’ pang iintrega ni mama na sabay naming sinulyapan. Inabot din ni mama ang pritong itlog sa kaniya at halos hindi ako makapaniwala na tanggapin niya iyon.

‘Calej Ziam po’ maiksing sagot niya at sabay subo ng itlog sa bibig niya.

What? Totoo ba ito? Nakakawindang.

‘Classmate po ako ni Andy at katunayan po eh kaya po ako nandito para sunduin siya kasi magkakaroon po kami ng practice.’ diretso niyang paalam kila mama.

A MAN IN MY DREAMSWhere stories live. Discover now