CHAPTER 2

71 20 11
                                    

CHAPTER 2

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock sa aking tabi. Bahagya akong napapikit ng maramdaman ko ang sakit ng aking ulo na marahil ay dahil sa ulan kahapon. Muling bumalik sa aking isipan ang tagpong nangyari sa amin ni Calej at hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tagpo na iyon. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi sa kabila ng lahat na nangyari kagabi at kung paano ako nakauwing lutang ay hindi ko alam.

Nagmadali akong pumasok sa banyo at agad na naligo. Nagsipilyo na rin ako para pagbaba ko ay mag aalmusal na lang ako.

'Good Morning Ma! Good morning Pa' magiliw na bati ko kay papa at mama na abala sa kusina upang ihanda ang aming almusal.

'Mukhang maganda ang gising ng prinsesa namin ngayon ah!' sa halip na si mama ang sumagot ay si papa ang tumugon nito. Abala rin si papa sa kabilang dulo ng aming mesa sa pagbabasa ng diyaryo at pagsimsim ng isang tasang kape.

'Siyempre naman Pa! Bukod sa maganda na talaga ako ay maganda rin ang umaga ko' sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.

'Oh! Halika ka na rito at mag almusal. Malalate ka na.' anyaya ni mama habang inilalapag sa mesa ang luto niyang itlog at pritong isda.

Sinimulan ko na rin ang pag-almusal. Sinadya ko itong bilisan dahil paniguradong mahuhuli na ako sa klase.

'Mauna na po ako! Bye.'

'Mag iingat ka palagi anak hah!' paalala ni papa sabay abot sa akin ng perang baon ko.

'Salamat po!'

'Wag ka rin mag papagabi sa daan-delikado' pahabol ni mama.

Ganoon palagi ang tagpo ko tuwing umaga. Palaging hindi nakakaligtaan nila mama ang paalalahanan akong mag ingat. Pagkalabas ko ng gate ng aming bahay ay sakto naman na may dumaan na tricycle kung kaya't ikinatuwa ko ito dahil hindi na ako mag hihintay ng matagal.

'Milletone University po.' tanging tango lamang ang isinagot sa akin ni manong driver sa akin. Habang binabaybay namin ang kalsada patungo sa aming unibersidad ay muling sumariwa sa aking isipan ang nangyari sa amin Calej. Malaking tanong pa rin para sa akin kung bakit niya ako hinalikan. Normal lang ba iyon sa kanila? Normal lang ba na paraan ng pagpapasalamat iyon?

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala akong unibersidad namin. Matapos kong iabot ang bayad sa driver ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa building namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil ng pumasok ako ay kakaunti pa lamang ang naroroon. Iginala ko ang paningin ko sa buong silid at hinanap ng mga mata ko si Alice. Pinasadahan ko rin ng tingin ang upuan ni Calej pero wala pa ito kung kaya't dumiretso na ako sa upuan ko.

'Good morning Ace!' tapik ko kay Alice na abala sa pagbabasa ng libro.

'Hmmmm.' maiksing tugon niya sa akin.

'May ikukwento ako sayo at for sure mabibigla ka.' intrega ko sa kaniya.

'Tss. Ano yun?' nag dadalawang isip niyang tugon. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat na nangyari kahapon. Hindi ko rin maiwasan na kiligin ng ikuwento ko sa kaniya yung part na hinalikan ako sa pisngi ni Calej.

'Hindi porket hinalikan ka eh gusto ka na.' pagpuputol niya sa moment ko.

'Yung iba nga diyan eh inanakan na wala pa rin'

'May mga pinuyat sa chat tapos hindi naman pala gusto.'

'Kaya wag kang masyadong mag expect Dy. Babaero yun at hindi sa kaniya big deal yung ginawa niya.' napanguso naman ako ng sabihin niya iyon. Totoo naman kasi na babaero si Calej kaya naisip ko na rin na trip niya lang yung halik na iyon.

A MAN IN MY DREAMSWhere stories live. Discover now