PROLOGUE

194 40 20
                                    

'I love you'

'I love you so much, Andy' Kaysarap sa tenga pakinggan ang mga linyang iyon na sa kaniya mismo nagmula. Matagal kong inasam na marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya.

Matagal kong pinangarap. Matagal na inasam at pinantasyahan ko ang mga linyang yun at sa wakas narinig ko na ito sa kaniya.

'Mahal na mahal na mahal din kita Calej' halos maluha ako ng banggitin ko ang mga salitang iyon.

Halos sumabog ang aking dibdib sa magkahalong kaba at kilig na aking nararamdaman.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating lalaking pinapangarap ko lang, ay ngayon abot-kamay ko na.

Nabigla ako ng hilahin niya ang aking bewang palapit sa kaniyang katawan at marahan itinaas ang aking mukha upang malinaw kong masilayan ang perpekto niyang mukha. Mukha na kaytagal kong pinaglawayan at pinagpantasyahan.

Mula sa singkit niyang mga mata, makakapal na kilay, mahahabang mga pilik-mata, matangos na ilong at higit sa lahat ang makalaglag panga niyang mga labi na hindi ko mabatid kung kulay kalimbahin (Pink) o kulay pula ito at sa titig ko pa lamang dito alam kong sobrang lambot nito.

'Mahal na mahal kita at patuloy kitang mamahalin-Andy Feleciano Domingo' may konting kiliti na pumahid sa aking puso na banggitin niya ang buo kong pangalan.

At ang konting kiliti na iyon ay tila naging alon ng siilin niya ang aking mga labi ng kaniyang mga labi.

Napapikit ako at bahagyang pinisil ang kaniyang balikat.

Ninamnam ko ang bawat sandali na lumalapat ang aming mga labi. Kulang ang salitang masarap at matamis upang ilarawan ang rurok ng tagumpay na aking nararanasan ngayon.

Marahan niyang binitiwan ang aking labi at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Binitawan niya ako at umatras ng dalawang hakbang mula sa akin at may kung anong binunot sa kaniyang suot na pantalon.

Mas lalo akong nawindang ng dahan-dahan siyang lumuhod at kasabay nun ay ang pagliwanag ng buong paligid. Sumabay rin ang malamig na simoy ng hangin at nakakakilig na awitin at ang siyang pagliparan ng mga lobo sa aming paligid na may nakaukit na salitang 'WILL YOU BE MY GIRL?'

Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang tuwa.

'Andy Feleciano Domingo, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? ' matapos niyang banggitin ang mga linyang iyon ay tuluyan ng kumawala ang aking mga luha.

Mga luhang simbolismo ng tuwa, saya at kagalakan sa akin ng lahat na nangyayari.

Hawak niya ang singsing na simple pero sobrang ganda nito sa aking paningin. Singsing na alam kong mamahalin. Girlfriend pa lang naman pero bakit may singsing na. Siguro ganoon talaga sila manligaw- puno ng sorpresa at yaman.

Ihinakbang ko ang mga paa ko papalapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay na pinagpapawisan at nanginginig na. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil batid kong kinakabahan siya.

Ngumiti ako sa kaniya at ginatihan niya ito ng matamis na ngiti kasabay ang pagkislap ng kaniyang mapupungay na mata.

Matagal kong pinangarap ito. Matagal akong nabaliw sa kaniya at matagal na naghabol. Pero ngayon ito siya, nakaluhod at hinihintay ang matamis kong oo.

Muli ko siyang tinitigan at nakita ko ang sensiridad sa kaniyang mukha. Bakit pa ba ako nag iinarte at bakit ko pa ito pinapatagal gayong batid ko na rin sa aking sarili ang magiging sagot ko.

Pareho ang nais na isigaw ng aking puso at isip. Pareho ang nais ilabas ng aking bibig sa tinitibok ng aking puso at isip.

Ipinikit ko ang aking mga mata at kasabay ng pagdilat ko ang pagbigkas ng isang salitang alam kong magdudulot ng kilig at tuwa sa kaniya.

'O——'

———————————————————

'Finally, gising ka na Andy.' nagulantang ako ng marinig ko ang boses ni mama. At mas lalo akong napapitlag ng makita ko ang mga kurtinang puti at ang kisameng puti. At alam kong hindi ako nagkakamali na nasa ospital ako ngayon.

'Nasaan tayo ma? Nasaan si Calej' nagkukumahog kong tanong kay mama pero sa halip na sagutin niya ako ay yumakap siya kay papa. Nakita ko ang balisa nilang mukha na may halong pag-aalala.

Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong nasa harap ko si Calej—nakaluhod at hinihintay ang matamis kong oo. Ngunit bakit? Bakit ako naririto sa puting silid na ito.

Bakit?

Bakit?

Nasaan? Nasaan ang lahat?

Nasaan si Calej, nasaan ang proposal?

Nasaan ang mga lobo at ang mga liwanag ng ilaw?

Nasaan ang matamis na simoy ng hangin at awit?

Nasaan si Calej?

Nasaan ang lalaking matagal ko nang pinapangarap?

Where is the man in my dreams?

Authors note: Pagbati sa lahat na nagbigay ng oras upang basahin ang unang bahagi ng aking istorya. Ako'y labis na nagagalak na ipublish ko ang kwentong ito. Matagal ko ng isinulat ito at ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas na loob na upang ibahagi ito sa marami. At Maraming salamat sa mga nagtutulak at patuloy na naniniwala sa talento ko.

Ka-MANunulat I love you guys💙

ginoongmanunulat

A MAN IN MY DREAMSWhere stories live. Discover now