Collab #7: Paano Ba Humalik?

1 0 0
                                    

"PAANO BA HUMALIK?"
By: Llej Enil & Cloud_Castle134

<<Boy Version>>
CLOUD:
Isang araw may nakita ako,
Isang dalagang mabango,
Halimuyak niya'y nanunuot sa ilong ko,
Tila hinehele ang aking pagkatao.

Nilapitan ko siya upang makipagkilala,
At hindi ako makapaniwala sa taglay niyang ganda,
Abaugh! Animo bumaba si Bathala,
At sinakop ang puso kong walang sala.

Nagpakilala ako sa kanya,
"Hi, Miss, ako nga pala si Ulap,
Na sa ganda mo'y tila ako'y nasa alapaap,
Sana'y pagbigyan mo akong malaman,
Kissable ka ba aking hirang?"

Nakita kong ngumiti siya,
Nagliwanag ang paligid ko sinta,
Maging mga mata niya'y nangungusap,
Kasiyahan sa akin kanyang pinalasap.

"Ako naman si Jell, Ginoo,"
ang sagot niyang nakakabighaning totoo,
Boses ay tila kumakanta ang tono,
Anghel ang katulad nito.

"Hindi ko alam kung paano humalik,"
tugon niya pang tila sabik na sabik,
Napalunok na lang ako ng laway,
Kabog sa dibdib at panginginig 'di maghiwalay.

"H-hindi mo alam kung paano humalik?"
Nauutal kong tanong na tila gustong mahindik,
Sa ganda niyang taglay,
Hindi makapaniwalang 'di pa siya nakakatikim ng kalamay.

Marahan naman siyang tumango,
At ngumiti nang bahagya,
Tila nahiya, namula ang mukha,
"Maaari mo ba akong turuan?"
aniyang sumabog sa aking harapan.

Walang pag-aalinlangan,
Sumang-ayon ako hirang,
Dahan-dahan siyang nilapitan,
At hinapit siya sa baywang.

Pinakatitigan ko pa, bago ipinikit ang mga mata,
Labi niyang mamula-mula,
Nagbabadya ng kamunduhan,
Sarap di-matatawaran.

Unti-unti, labi nami'y naglapat,
Ngunit lambot nito'y 'di ko malasap,
Tamis na hinahanap,
Malayong-malayo sa hinagap.

Muli akong nagmulat,
Nakakagulat,
Hukluban aking nakaharap,
Kulubot ang balat,
Mga matang nakakasindak.

"Bitiwan mo ako, maawa ka,"
pagsusumamo ko pa,
Pilit inaalis ang mga labi niya,
Nakadikit pa kasi sa akin sinta.

Hanggang aking naramdaman,
Nanghihina aking mga kalamnan,
Lakas tinatakasan,
Tila sinaid niya, malamang.

Hindi ko na namalayan,
Bumagsak na lang sa damuhan,
At bago hininga'y nalagutan,
Nakita ko pa siyang gumanda sa aking harapan,
Halimaw pala ang aking natagpuan.

>> Girl Version <<
JELL:
Habang nakaupo ako sa dumuhan,
Isang anino ang humarang sa aking harapan;
Nang siya'y aking tingalain,
Nasilaw ako sa kaniyang mga ngiti't nakalulusaw tingin.

Sinakop niya ang pagitan naming dalawa,
At labis ang kaba na aking nadama:
Tila nagpakita sa akin si Kupido,
Sa gwapo't hubog ng katawa'y pinana agad ako.

Na tila nakaramdam ako ng paglalaway,
Kung nakatayo —panty ko'y paniguradong lalaylay;
Tingin ko sa kaniya'y hindi ko maihiwalay,
Ako'y nananabik —sa sistema ko'y may biglang nanalaytay.

Kaya nang ikumpas niya ang kaniyang bibig,
Lalo akong nabihag sa kaniyang tinig;
Sa kaniyang tinuran, balahibo ko'y nahindik,
Na animo'y gusto niyang madama ang aking halik.

Abot-taints ang aking ngiti,
Nais kong magpabebe ngunit hindi na mapakali;
Sinagot ko siya sa mapang-akit na paraan,
Na ang ngalan ko'y Jell, dadalhin ka hindi sa impiyernokundi sa kalangitan.

Ngunit binulong ko lang iyon sa hangin,
At tinugon siya ng, "Hindi ko alam paano humalik."
Ako'y namula at kinilig sa inamin,
Ngunit nilakasan na ang loob na sabihing, "Maaari mo ba akong turuang mga labi natin ay maglapit?"

Mabilis siyang tumango ngunit dahan-dahan ang paglapit,
Napaungol ako sa isipan, "Ugh! Ang tagal, nakakainip!"
Hinapit na niya ang aking beywang,
"Nauuhaw na ako, huwag mo na akong titigan."

Kaya nang mga labi nami'y maglapat,
Katinuan ko'y hindi ko na masalat;
Kapalit ng halik niya na kay sarap,
Ay ang kabataang matagal kong pinangarap.

Na sa likod ng maamo't matingkad kong ngiti,
Nagtatago ang huklubang masama ang budhi;
Sa likod ng ganda at mapang-akit kong mga mata,
Ay kulubot kong mga balat na hindi niya nakita.

Sa pagtikim ko sa kaniyang mga labi,
Kalakasan, kabataan niya'y sinipsip ko nang masidhi;
Ngunit bago siya panawan ng sarili,
Nakita niya ang humalik sa kaniya'y halimaw na mapagkunwari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pluma At Papel: Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now