Collab #3: Nagmahal Ng Kapwa Makata

13 0 0
                                    

"NAGMAHAL NG KAPWA MAKATA"
By: Llej Enil & KUYABENS

Llej:
Kumusta ang ating puso?
Nababasa na ba ang papel dahil sa pagtulo?
Ng mga luhang ipinapatak sa papel na blangko,
Lagi na lang ba tayong ganito?

Mathew:
Iyan ka na namang iniisip ang tayo,
Pero kapag ika'y napalayo,
Baka ipagpalit mo na ako.

Llej:
Masyado kang seryoso,
Hindi ko naman sinabing ikaw at ako;
Dahil alam kong walang tayo.
Pero tayo'y pareho,
Parehong kasalukuyang bigo.

Mathew:
Parehas pala tayong bigo,
Bakit 'di na lang tayo?
Parehong nasaktan -paulit-ulit na lang.
Edi tayo na lang, para hindi na tayo umaasa at nasasaktan,
Ng mga taong walang paninindigan.

Llej:
Tayo'y mga Makata,
Hindi tayo isang tula;
Na kapag sinabing tugma,
Ay bagay na sa isa't isa.

Mathew:
Pwede naman tayong gumawa ng sariling kwento -ng ikaw at ako.
Tayong dalawa ang bida,
Na ang tugma at linyang sasabihin ay Mahal kita.

Llej:
Kung atin bang sisimulan,
Ang nais mong kwentong may tugmaan;
Kaya mo bang panindigan,
Ang mga katagang iyong pinaglalaruan?

Mathew:
'Wag kang mag-alala, handa akong sumugal at panindigan,
Kung ano man ang ating sisimulan.
Hindi ko paglalaruan ang iyong mga katanungan,
Kung papayag ka sa tugmaan;
At sa ating kwento,
Na pamamagatang ikaw at ako.
Pinapangako ko sa 'yo,
Ika'y aking iingatan hanggang dulo.

Llej:
Nais ko man sabihing sana'y totoo,
Na ang iyong pangako'y 'di mapako;
Natatakot akong um-Oo,
Dahil sa laro na 'yan ay lagi akong natatalo.

Mathew:
'Di ako basta mangangako,
Ipapakita ko sa 'yo na iba ako -sa mga minahal mo.
'Di ako 'yong tipong ililipad ka sa taas -sabay bagsak.
'Di ako yung lalaking lolokohin ka,
At ipagpapalit sa iba.
Kasi sumugal na rin ako,
At ilang beses ding natalo.
Pero sa pagkakataong ito,
Sisiguradin ko,
Tayong dalawa ang mananalo.

Llej:
Ginoo, huwag mo lang sanang ipakita,
Dahil bawat salita mo'y nais ko rin madama.
Ngunit sana'y magawa mong maghintay,
Mabuo muli ako bago sarili'y sa 'yo ialay.
Na kung magtutugma man tayong dalawa,
Hindi ka na makakanap ng ipapalit na salita.

Mathew:
Sige aking sinta, maghihintay ako,
Kahit nais ko'y tulungan kang mabuo ang sarili mo.
Huwag kang mag-alala sa mga tugma,
Isusulat ko'y ikaw at ako lang sa akda.
Gusto kong madama mo sa bawat salita,
Iparirinig sa 'yo ang mga kataga,
Nadarama kong mahal kita.

Pluma At Papel: Ikaw at AkoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz