Collab #5: H I M B I N G

3 0 0
                                    

"H I M B I N G"

Maagang nagising,
Pero tila patuloy na nahihimbing;
Na ikaw ay nasa aking piling,
At yakap ako sa iyong mga bisig.

Sabik pa rin sa init ng iyong yakap,
...at nalunod sa pagmamahal na sa 'yo nahanap,
Ngayo'y babangon na wala ka sa aking tabi,
...at halik sa aking mga labi.

Patuloy mangangarap
Upang ika'y mahanap
Pag aaruga mo ang tanging nais
'Pagkat iniwaglit ang mga pagtangis.

Nais ko mang putulin,
Panaginip kong ikaw ay sa akin;
Hindi kayang kalabanin,
Ng isip, ang puso kong ikaw ang hinihiling.

Panaginip, inakalang matamis ang nakabalot,
isa pa lang matinding bangungot,
Pilit ko mang labanan
Ako, ako lang naman ang uwiang luhaan.

Kahit ano mang pilit ,
Iwaksi ang lahat
Tila kay hirap iwaglit
Ang bawat saglit sa piling na akala'y tapat

Tulalang yakap ang mga unan,
Kumot ang dumamay sa tulad kong luhaan;
Kailangan nang gumising sa kahibangan,
At bumangon sa ninais na kama ng iyong pagmamahal.

Tatanggalin na ang muta na nakasakit,
sa mga alaalang napunan na ng pait.
Itatago sa kama ang kasawian,
...at lungkot nitong nararamdaman.

Kasabay ng pagbangon
Ay ang panibagong hamon
Sa buhay na 'di inasasahang magaganap
Ngunit patuloy ang paglakbay upang matamo ang pinapangarap.

A Collaborative Poem of:
Llej Enil
Phosphorus Scrivener
Tin Arbues

Pluma At Papel: Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now