Part 6

26 0 0
                                    

James Fernandez?

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat na kaklase ko siya. Seryoso ba to? Final na?

"Thank you Mr. Pogi." Sagot ng Prof namin.

Nagingay naman ang mga babaeng nasa room at pinagbubulungan si James. Ang iba ay hindi inaalis ang tingin kay James at pasimpleng ningitian nila ito at kinakawayan. 

Tss, parang mga kitikiti sa pagpipigil ng kilig tong mga babaeng to! I smirk at pinanood kung pano sila nagkakandarapa kay James. 

"Miss ikaw na." Bulong ng katabi ko sakin.

Tiningnan ko siya at tiningnan ang Prof ko na nakatitig lang sakin at nagiintay sa sasabihin ko. Agad akong tumayo  at lahat sila ay nakatingin sa akin. 

"I'm Alyssa Vin Reyes, Computer Science, Freshmen and I am a Varsity of Volleyball." I said with confidence.

I sat down elegantly charot! Naupo ako ng may confidence, dahil may mga nagbubulungan na babae habang nakatingin sakin. Ningitian ko na lang sila at ang prof ko.

"Yun oh!" Sigaw ng isang lalaki sa harapan.

"Oh shhee, volleyball player pareh." Sagot naman ng isa.

Agad namang nagkaroon ng ingay dahil sa mga lalaking nagsasalita.

"Class! Kalma, hindi kayo type ni Miss Reyes." Pagbibiro ng Prof namin.

I giggle at pinanood ang mga kaklase kong nagcomplain at tumatawa dahil sa sinabi ni sir.

"Aw! Grabe yon sir!" Sagot ng isang lalaki at umaktong nasaktan sa part ng puso.

"Enough  hahaha! Attention! I will start my lecture today!" Sagot ni Prof sa mga lalaking nasa unahan.

"Awww"

"Agad sir?" 

Agad na nagreklamo ang mga students kay sir. Miski ako ayoko pa magklase. Pinipilit ng mga kaklase ko na wag muna magklase si sir. 

Sumandal ako sa kinauupuan ko. Dinantay ni James ang isang braso sa upuan para maging gabay sa pagharap niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinigilan naman niyang tumawa. 

"Hi." James said and smiled at me.

"Hi?" 

"Kahit maaga, masungit ka pa din." He giggles. 

I roll my eyes at him at lumingon na muli siya sa unahan.

"Okay okay next day na tayo magklase but I am expecting all of you to do your best, our meetings will be held MWF, enjoy the whole semester, class dismissed." 

Napilit ng mga kaklase ko na huwag na muna kami magklase today.

Ahhhh! Sarap sa feeling. Inunat ko ang dalawa kong braso sa ere at inayos na ang mga gamit ko. 

"Ano next class mo?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil kay James. Bigla bigla nagsasalita, ayaw ako tawagin sa pangalan ko or kahit anong panimula. Nasa harapan ko na siya dahil nakaalis na ang katabi ko at hindi ko namalayan na naupo siya sa pwesto na yon.

"Sorry." He said and giggles. 

"A-ah ano, Ethics?" i reply.

Tumayo ako at isinabit na ang bag ko sa braso ko. Tumayo din siya at naglakad na kami papunta sa pintuan. Tumigil ako sa paglalakad para mauna na siya lumabas ng pinto. Hindi kami kakasya anlaki niyang tao maliit lang pintuan. 

Tiningnan niya ako at tiningnan ko din siya. Nilahad niya ang kamay niya na nagsasabi na mauna na kong lumabas. 

Habang naglalakad ako sa hall ay nagtitinginan nanaman ang mga babaeng nadadaanan ko.

We Meet AgainWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu