"Who the hell did this to my cartolina?!" inis niyang sabi.

Ohmy! Lagot! Sakanya 'yon? Luh!

Inocente akong nagpalinga-linga at lahat sila nakatingin saakin. What? Isusumbong ba nila ako? Ngumiti nalang ako sakanila at umupo, napatampal ako ng noo. Ano ba 'yan! Sakanya pala' yon! Bakit kasi may ganyan siya wala namang sinabi saaming magdala niyan. Siraulo talaga to-

"Sofia... Sofia did that, Leo!" sigaw ni Kristelle.

What the hell?! Panira talaga ang hipon na'to!

Kinakabahan akong napalingon kay Leo na masama narin ang tingin saakin. But I just give him my sweetest smile and apologetic face.

Makuha sa ngiting damuho ka! Hindi ko sinasadya 'yan!

Matamis parin akong nakangiti hanggang sakanya habang siya naman ay masama parin ang tingin saakin ang mga kaklase naman namin ay tahimik lang na nakamasid saamin. Nang hindi na ako nakatiis ay ginawa kung walanh reaction ang mukha ko at humarap nalang sa board. Bahala ka jan! Ikaw na nga'tong nginingitian masama parin ang loob mo! Tsk! Babayaran ko nalang siya mamaya or bibilhan ko nalang siya ng sampo niyan. Baka sabihin pa niya sinadya kung sirain.

Nagsimula na ang klase pero hindi ko magawang mag concentrate dahil nararamdaman ko ang sama ng tingin ng nasa likod ko. Is he really that mad at me? Hindi ko naman sinasadya ah!

Pero hindi ka pa nag so-sorry.

Oh! Great! Oo nga pala. Hindi pa ako nag so-sorry mamaya nalang.

NANG mag-break kami ay agad akong lumingon sa likod ko para mag sorry pero wala na akong nalingon pa. Luminga ako at nakitang palabas na siya ng classroom. What the! Agad-agad kung inayos ang gamit ko, or should I say siniksil ko nalang basta sa bag ko ang mga gamit ko para maabutan ko siya. Hindi naman ako pinansin ng mga kaibigan ko at natatawang nakatingin lang saakin na lakad takbong lumabas ng room.

Tsk! Nasaan naba 'yon! Nakakinis! Ganon ba talaga ka-impoetante ng cartolina na' yon? Napabuntong hininga ako. Malamang Jade! Malamang importante 'yon! Hindi naman siya magagalit ng ganun kumg hindi.

Napabuntong hininga ulit ako at naglakad pa para mahanap siya. Saan ba tumambay iyon? Wala siya sa cafeteria, wala rin sa gym.

Habang naglalakad ako ay may mga bumabati at nag co-congrats saakin. Geez! Nginingitian ko nalang sila at patuloy parin ako sa paghahanap sa nag me menopause ngayong damuho!

Naglakad pa ako ng naglakad ng hindi ko namalayang papunta na ako sa library. Ba't dito ako pinunta ng paa ko? Umiling nalang ako at pumasok. Malawak ang library ng University. Matataas na mga bookshelves at maraming libro, kailangan mo pang gumamit ng ladder para kunin ang gusto mong libro kung nasa taas man ito. Nakapa gitna ang mga shelves at sa gilid naman ay mga tables at upuan na pwedeng upuan ng mga studyanteng gustong magbasa or gumawa ng assignments. Tahimik rin dito dahil malayo sa mga buildings.

"Please sign-in." nabalik ako sa pag-iisip ng mag salita ang librarian. Tango lang ang nasagot ko, I wrote my full name and course before I go around. Nandito kaya siya?

Inisa-isa ko ang bawat sulok ng library at ng mapadako ako sa last table ay nakita ko ang hinahanap ko. Busy sa ginagawa niya. Nakakunot ang noo at seryosong seryoso na akala mo naman nasa hukuman. Tinitigan ko ang mukha niya, kapag napapa titig ako sakanya ay parang pakiramdam ko nakita ko na siya noon, pero saan at kailan? I don't know. Tinitigan ko pa siya, hindi ko mapigilang humanga sa mahaba niyang pilik mata, matangos na ilong at makinis na mukha. Napaka gwapo ni-

Wait! What the hell! Umiling-iling ako sa sarili para mawala ang mga pinag-iisip ko bago lumapit sakanya. Umupo ako sa harapan niya at ngumiti sakanya.

Hate at First Sight?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz