07 - Kung Ako Ba Siya?

3.6K 78 11
                                    

Ang kwentong ito ay pumasok nalang bigla sa utak ko. HAHAHA! Wala lang! =))) Sana magustuhan nyo. 

Kath as Areeyah.

Daniel as Yuan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kung ako ba siya? Mapapansin mo?

Kung ako ba siya? Mamahalin mo?

Ano bang meron sya, na wala ako?

Kung ako ba siya? Iibigin mo?

Iyan ang mga katagang kanina pa pumapasok sa aking utak.

Nasasaktan ako.

Bakit?

Kailan ba kasi nya na mararamdaman na mahal ko siya? Kailan nya ba mapapansin ang mga ginawa ko para sa kanya.

Nagpakatanga ako.

Sinaktan ko ang sarili ko.

Umiyak ako para sa kanya.

Pinaglaban ko siya sa aking mga kaibigan kahit wala akong karapatan.

Pero, ako? Kailan ba ako magigising sa katotohanan?

Na kahit paos na paos na itong puso ko kasisigaw ng pangalan mo, pero hindi mo pa rin ito naririnig.

Na kahit ako ang kasama mo, siya naman ang laman ng puso mo.

***

Kasalukuyan akong kumakain sa Mcdo, nang tumunog ang phone ko.

1 message from Yuan.

Hi Areeyah! Tara gala? :)

Gala? Parang ayoko.

Pero para sa kanya naman eh.

To Yuan;

Sure. Dito ako Mcdo.

SENT.

Napabuntong hininga naman ako.

Yuan, hanggang ganito nalang ba tayo?

1 message from Yuan.

Wait for me bestfriend!

BESTFRIEND.

Oo, ayan ang pinakamasakit na katagang sinabi sayo ng taong mahal mo.

Si Yuan. Sya lamang ang lalaking minahal ko.

Ang lalaking manhid. Manhid pa sa bato.

“Boo!”

“Wow, gulat ako ah.”

“Tara na brad!”

Nagpunta na kami kung saan man nya ako dinala.

Joke. Sa mall.

“Brad, anong mas maganda? Blue or Yellow?”

“Kulay ng polo ba? Makikipagdate ka nanaman?”

“Yes brad! Grabe, ang ganda nung nililigawan ko ngayon.” Parang salamin na nabasag yung puso ko.

Ako ba Yuan? Kelan ba dadating yung panahon na sa’kin ka mahuhulog?

“Sino?”

“Si Mara!”

“Ah, okay. Yellow.” Pinili ko ang paborito kong kulay.

KathNiel One Shots Collection.Where stories live. Discover now