03 - Sacrifice.

4.7K 103 7
                                    

SACRIFICE..

          that's the hardest part of love. I'll sacrifice if that will make him happy.

© blueberrymonster. || All Rights Reserved. 2012.

Inspired by KUNG AKO NALANG SANA ni Khalil. Haha, wala lang. Basta, tagos kasi sa heart yung message ng kanta nya. :P

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakaupo ako sa isang madilim na sulok. Pinagmamasdan ko sila. Halatang masayang masaya dahil bakas naman sa kanilang mga ngiti. Nagtatawanan pa sila habang nagsasayaw.

Ang sakit lang isipin na ikaw pa ang naging daan nila kaya sila nakangiti ngayon. Ako yung nagsilbing tulay nila, kaya ngayon close na sila.

Ang sakit isipin na, nagsacrifice ka para sa kaibigan mo at sa taong mahal  mo.

“Beh, okay ka lang?” Napalingon naman ako sa nagsalita.

Buti pa ‘tong mga kaibigan ko may love life eh ako? Parang coke lang. ZERO.

“Oo naman, haha.” Pinilit kong tumawa kahit ang sakit sakit na ng dibdib ko.

Gusto kong sumigaw.

Gusto kong umiyak.

Gusto ko magwala.

Gusto kong sabihin sa kanya  na ako nalang. Mas liligaya ka sa’kin. Mas mamahalin kita.

“Beh naman kasi eh, bakit ba pumayag kang maging daan nila. Yan tuloy.” Hayyy, Julia. Kung alam mo lang..

“Hayaan mo na beh, masaya ako para sa kanila.” Parang nasaksak yung puso ko sa mga sinabi ko. Masaya ako, sa salita. Pero sa totoo? Sobrang sakit.

Bakit nga ba kasi ako pumayag sa favor ni Patrize.

Flashback.

“Bebs!” Masayang tumakbo sa’kin si Patrize. Ewan ko ba dito, lagi naman yang masaya. Pero ngayon iba yung saya nya.

“Why, pinakamamahal kong bebs?” Ang sweet ko no. Sensya, walang lovelife eh. Kaya binubuhos ang pagmamahal sa kaibigan.

“Uhm ano, bebs! Me so kilig! Kyyaaah!” Tumalon talon pa si Patrize.

“Kwento bebs.”

“Bebs! Liligawan daw ako ni Daniel! Waaah!” Pulang-pula na sya sa sobrang kilig.

“Si Daniel? Si bespren?”

“Si Daniel bebs!”

Si Daniel bebs!

Si Daniel bebs!

Si Daniel bebs!

SHIT.

Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Si Daniel.. Mahal nya si Patrize.. At kaibigan ko pa.

Si Pat pala yung sinasabi ni Daniel na matagal na nyang mahal.

Sino nga ba si Daniel sa buhay ko? Sya lang naman yung lalaking nagpatibok ng puso ko. Sya lang naman yung bestfriend kong palihim kong minamahal.

Matagal ko nang kinikimkim ‘to. Dahil alam kong mahal ni Patrize si Daniel. Syempre, parehas ko silang kaibigan. Kaya pinipilit ko yung sarili kong kalimutan na yung nararamdaman ko.

“Bebs, di ba bestfriend mo yun?”

“Ah yup.”

“Pakisabi wag syang pakipot no. mahal ko din kamo sya.”

“S-sige ba bebs.. Para sayo..” Para sa ikaliligaya mo Pat. Alam kong magiging masaya si Daniel.

Umalis na si Patrize. At ako parang napako sa kinatatayuan ko.

End of Flashback.

“Beh! Yuhooo!”

“Ah, beh. Di ba sabi ko last day ko na ‘to. Last day na yung pagka-emo ko. Magmomove on na ko. Siguro beh, eto na yung right time. Mukhang masaya na sila eh. Bakit pa ko eeksena.”

“Kung saan ka di masasaktan. I love you beh.” Yinakap ako ni Julia.

"I think this is goodbye. See you when I see you. Haha! I love you behhhh!” Yinakap ko ulit si Julia. Oo, ngayon na flight ko papuntang Singapore. Para magbagong buhay. At magmove on.

Siguro nga eto na yung right time.

I love you Daniel, for the last time.

“Thank you Daniel. Bye.” Sinabi ko yan sa harap nila Daniel at Patrize. Napatingin naman si Daniel sa’kin. Nagulat yata sya.

“Saan ka pupunta?” Hinawakan ako ni Daniel sa wrist.

“Magpapakalayo?”

“Bakit?”

“Para magbagong buhay? Haha. Salamat Daniel sa lahat. Lagi mong tandaan, nandito ako sa tabi mo nung kinailangan mo ng kaibigan. Nandito ako para maging sandalan mo tuwing heart broken ka. Nandito ako para icomfort ka at sabihing madami pang babae dyan. Pero pinaglihi ka yata sa bato eh. Everytime na sinasabi ko yun sayo, gustong isigaw ng puso ko na Daniel andito lang ako sa tabi mo, bakit hindi mo ko makita? Di mo ba alam na tuwing kinokomfort kita, pinipilit kong ngumiti kahit labag sa loob ko.”

“Minsan nga napaisip ako, minahal mo din kaya ako? Katulad nung pagmamahal ko sayo? Pero napakaimposible naman nun. Haha.”

“Pero ganun talaga ang life, hindi lahat ng storya may happy ending. Kaya Daniel, maging masaya ka ah?  Kuntento na ko sa pagiging bespren mo. Kaysa naman mawala pa pati pagkakaibigan natin di ba? Sana maging masaya kayo ni Patrize.” Inalis ko na yung pagkakahawak nya sa wrist ko.

“ Hoy bespren! Last mo nang GF yan ha?! Naku kapag sinaktan mo yang si bebs, pepektusan talaga kita! Haha. Ingatan mo yang bebs ko ah. Wag mong papaiyakin. At ikaw naman bebs, pagtiyagaan mo yang si Daniel at loko-loko talaga yan. Sige na, bye! I love you all. Lalo na ikaw Daniel.” Tumulo na talaga yung mga luha ko.

“Kath.”

Nginitian ko na sila tapos umalis na ko.

So this is goodbye na talaga...

“Wait Kath....”

“No Daniel, no need to explain. Pumunta ka na kay Patrize, magalit pa yun. Hala ka, sasabog yun.”

“Kath I love you.”

Nanlaki naman yung mata ko, mahal nya din ako?

“No. Sinasabi mo lang yan para di mo ko iwan.”

“Hindi Kath, totoo to.”

“Patawa ka bespren. Ingat ka palagi! Oo, alam ko.. Mahal mo ko as a bestfriend.Nagmadali na ko tumakbo.

Kath, sinasabi nya lang yun para di ka umalis.

Wag ka nang umasa.

Masasaktan ka lang.

KALIMUTAN MO NA SYA. KALIMUTAN MO NA YUNG FEELINGS MO.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Whatcha think?! =)) May part 2 pa yan, kapag sinipag ako. Yung side naman ni Daniel. :p Madrama ba? Huhu.. </3 May naalala kasi ako kaya ko 'to naisulat. BWAHAHA! Nevermind, wag bitter. :) Past is past daw. Lol.

ANG SAKLAP LANG NUNG MAIINLOVE KA SA BESTFRIEND MO. </3

KathNiel One Shots Collection.Where stories live. Discover now