05 - Bittermelon

4.3K 72 1
                                    



Hello! Isa lang naman itong bitter na istorya. Ewan ko kung bakit ko naisulat to.

PS: Hindi ako bitter. :p 

A George-Michelle story. Remember it? Sa PAI po yan, yung kumain sila ng ice cream. :) 

Pabasa na din guys yung new KN Fanfic ko, if may time kayo. Twenty Six Reasons yung title. Salamuch. :* <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Michelle, tara mall.” Nakakatamad.. Nakakatamad nang magmahal.

 

“Hoy Mich!” Ayoko bumangon. Ayoko bumangon, dahil mas maganda pa buhay ko sa panaginip.

 

“Hoy Michelle Maghirang!” Napaupo na’ko. Grabe naman kasi makasigaw ‘tong kaibigan ko, parang nakalunok ng megaphone.

“Bakit ba?!” Napakamot ako ng ulo tapos hinanap ko kaagad yung cellphone ko.

 

“Tara sabi sa mall.” Hinila na ko papunta sa banyo ng magaling kong kaibigan.

“A-yo-ko. Period no erase. Inaantok ako.” Inalis ko na yung pagkakahawak nya sa wrist ko tapos humiga na ko ulit sa kama at nagtalukbong na ng kumot.

“Hay nako Mich. Ang laki talaga ng epekto ng pagkabitter sayo. Tss.” Ha? Bitter. NO!

“Bitter? HAHA! Saang banda?” Inirapan ko sya at pumunta na ‘ko sa cr para maligo.

Sinong bitter? No no no.. Sabi nga nila, walang bitter. Sadyang nasaktan lang.

 

Oo, sadyang nasaktan lang ako..

 

Hoyyy, erase erase. Basta wala na ‘kong pakielam sa kanya.

 

***

 

“Ano ba kasing gagawin natin dito? Sayang yung oras, dapat nagwattpad nalang ako!” Paano ba naman, kanina pa kami paikot-ikot sa mall. Wala namang binibili! Dapat pala nagwalkathon nalang kami. -_________-

“Anak ka talaga ng nanay mo Mich, eh sa wala nga akong makitang magandang mabibili.”

 

“Oh de tara nang umuwi.” Tumalikod na ko sa kanya pero pinigilan nya ko.

“Magmilk-tea na nga lang tayo! Pampakalma sa puso mo, ay este pampawala ng pagod.”

 

“Ha-ha. Funny.”

Naglakad na kami papunta dun sa tinuturo nyang cafe na kung saan daw masarap yung milktea. Hindi ko na matandaan yung pangalan, ang hirap kasing bigkasin. 

“Ate isa nga pong Oreo milk tea. Mich, ano sayo?” Tiningnan ko yung menu pero iba yung nakita ko.

Wow! Just WOW.

Nakita ko lang naman yung walang kwentang ex ko! Anong klaseng buhay to, oo.

Leshe lang kasi. Alam nyo yung feeling na matagal na pala akong niloloko. Hindi ko manlang napansin. Shet talaga, ang tanga ko! Sorry sa foul words, sadyang-- ugggh!

“Hoy Mich madami pang nakapila! Ano sayo?!”

 

“Yung bittermelon nalang!” Biglang tumawa yung kasama ko. Bakit, anong nakakatawa? Pampadagdag bv lang.

“Gagi ka! Baka wintermelon! Pati ba naman dito dinadala mo yang pagkabitter mo! HAHAHA! Ate tsaka po isang wintermelon milktea.” Tiningnan ko yung cashier, nagpipigil din ng tawa. Eh kung pag-umpugin ko yung dalawang to.

“Eh basta yun na yun!” Napatingin ulit ako sa direksyon nila Jao at Shalaine. Oo, si Jao ang magaling kong ex.

Nagtama naman yung tingin namin ni Jao sa isa’t isa. Agad ko namang binaling yung tingin ko sa likod.

“Ah, kaya naman pala..”

 

“Duh?! Ayy sorry po..” Langya naman kasi nitong bestfriend ko. May nabangga tuloy ako. -______-

“Okay lang miss.” Parang napako yung tingin ko sa kanya.

Nginitian ko naman sya at pupunta na sana ako sa table namin pero agad syang tumakbo palapit sakin. Tumingin sya sa table nila Jao tapos tumingin sya sa’kin.

Bakit kasi pilit mong binabalikan ang past kung hindi naman na sya talaga pwedeng balikan? Kaya nga past eh, nakaraan na. Nakaraan na, na pwedeng kalimutan. Nakaraan na, na pwedeng tanggapin. Pero tandaan mo miss, kaya nga meron tayong present, para marealize ang past at ilet go ang past. Pero nasaiyo na yun kung patuloy mo pa ring ipaglalaban ang past.. Choice mo na rin yun kung hahayaan mong saktan ka ng nakaraan.”

 

“One wintermelon milk tea for George!” Pumunta na sya sa cashier at kinuha nya yung milktea nya. Ngumiti sya sa’kin tapos lumabas na sya ng cafe.

Nakapagtataka man na alam nya kalagayan ko ngayon dahil syempre hindi naman kami magkakilala, pero ang laki ng naitulong nya sa’kin.

George, salamat.

 

Ikaw lang pala ang solusyon eh.

 

Ikaw lang pala ang magpaparealize na it may be hard on the first, but it’s gonna be worth it in the end.

 

KathNiel One Shots Collection.Where stories live. Discover now