06 - Love At First Sight

4.2K 90 4
                                    

Hi! Ang tagal ko na 'tong naitype pero ngayon ko lang naisipan ipost. HAHA, ewan ko ba. 

Belated Happy KathNiel Day! Forever to go. :* <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkatinginan kami sa unang pagkakataon.

Ang ganda ng mata nya. Ang tangos ng ilong.

Hindi ko man sya kilala, parang masyado na syang kilala ng puso ko. Alam ko, ang gulo. Pero ito na yata yung tinatawag nilang LOVE AT FIRST SIGHT.

Syempre, madaming magsasabing ang PBB teens ko naman. Eto lang ang tanong ko sa inyo, masama bang magmahal? Sabi nga ng matatanda, walang pinipiling edad ang pag-ibig.

15 years old na ko. Pero never pang nainlove. 

Pero sadyang magulo ang tadhana. Pinana pa yata ako ni kupido ng wala sa oras. Sa dinami-dami ng lalaking nakilala ko, bakit sa kanya pa?

Bakit sa kanya pang hindi ko naman kilala?  Bakit sa lalaking nakita ko lang sa unang pagkakataon tumibok ang puso ko?

Oh sya, ako nga pala si Kathryn. Simple lang. Simpleng manamit. Simpleng mag-ayos. Simpleng kumilos. Simpleng magmahal.

At syempre..

SIMPLENG NASASAKTAN.

Nasasaktan ako, dahil sa lalaking nakaeye to eye ko. Ewan ko, para bang mali lang kung sya ang mahalin ko. Oo, hindi ko nga sya kilala. Pero iba ang dating nya eh.

Nasasaktan ako ng walang dahilan. Hay.. Gulo..

**

Nagdaan ang mga araw. Eto ako ngayon, nakatulala sa bintana. Hinihintay na magdaan sya kung pupunta man sya sa canteen  o sa cr. Tama kayo. Madadaan mo ang classroom namin kung pupunta sa sa boys’ cr. Tapos tapat lang ng room namin yung canteen.

Oh ayan na pala sya. Naglalakad ng parang walang pakielam sa mundo. Nakaheadphone tapos nakapamulsa ang dalawa nyang kamay.

Gusto ko sana syang lapitan.. Pero ang kapal naman ng mukha ko di ba? Ni hindi nya nga ako kilala eh.

Kaya, nagnanakaw na lamang ako ng tingin sa kanya. Naghihintay na magtama ulit ang mga mata namin.

Hanggang lihim na tingin nalang yata ako.

Kumukuha pa ko ng lakas ng loob para itanong sa’king mga kaklase kung ano ang pangalan nya. Simula kasi nung araw na nagkatinginan kami, hindi ko muna inalam ang pangalan nya.

“Tulala ka dyan?” Sabi sa’kin ni Julia. Iniwas ko naman ang tingin ko sa canteen  kung saan kasalukuyang bumibili yung taong minahal ko dahil sa pagtama lamang ng aming mga mata.

“Ah, wala no.” Patay malisya kong sabi.

“Love problem teh?” Sapol naman ako sa tanong nya. Paano naman nya nasabi yun.

Umiling lang ako sabay ngiti.

“Wag mo nang itanggi. Kitang kita sa mga mata mo.”

“Wala nga to. Gutom lang ako.”

“Usapang kaibigan to, Kathryn. Bakit ba natatakot kang sabihin sa’kin yang nararamdaman mo?”

“Natatakot kasi ako.. Na.. Baka h-hindi nya ako mahal.” Sabi ko sabay yuko.

“Sus. Natural lang yan, kapag nagmamahal. Alam mo, ganyan din ako. Nagmahal ako ng palihim, nasaktan din ng palihim. Hay. Buhay pag-ibig nga naman.”

KathNiel One Shots Collection.Where stories live. Discover now