01 - Someday.

18.4K 181 16
                                    




SOMEDAY..

           I will find the right guy. I will find the guy who will truly love me.

 

© blueberrymonster. || All Rights Reserved. 2012.

Dedicated po kay ate Erin. Miss ko na kasi yung magBebs eh at syempre love ko stories nya. =)) <3 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

“Sana , dumating na yung lalaking para sa’kin. Yung mamahalin talaga ako. Di dahil sa yaman ko. Kung di dahil, bilang ako. Bilang Kath Bernardo.”

 

 

“Ano ba yan, pang-ilan ko ng balik dito, bakit wala pa rin si man of my dreams? Huhu. Please, ayoko nang masaktan.”

 

 

“Aynakoooo. Last na to. Kapag di pa talaga dumating si guy, mas gugustuhin ko ng tumandang dalaga. Pero, joke lang. Sige na kasi, ibigay mo na sakin.”

 

 

“Aish. Ano ba yan. Sige, last na talaga to. Hay, asan ka na ba, prince charming? Traffic ba dyan sa EDSA at wala ka pa rin dito hanggang ngayon?! MagMRT ka nalang kasi! Inip na ko. CHOS.”

 

Ako nga pala si Kath Bernardo. Ang babaeng lagi nalang pinagpupustahan. Ang babaeng di magkaroon ng boyfriend na seryoso. Ang babaeng laging sawi sa pag-ibig. Ang babaeng lagi nalang nasasaktan.

Nagtataka kayo no? Sino kinakausap ko?! Oh well, papel.

Nagwiwish lang naman ako sa isang balon dito sa may park. Sabi kasi nila, pag nagwish ka dito, lalo na kapag about sa lovelife, magkakatotoo.

Eh ano ako ngayon?

SAWI. T.T <//3

Wala pa rin si Prince Charming ko. Huhu.

“May nakaupo po  ba?” Tanong ko dun sa guy na may hawak na gitara.

“Ah, wala.” Sagot naman nya sabay tugtog ulit sa gitara nya. GANUN?! WALANG PAKIELAMAN, teh?!

Eh di wala daw, PAUPO! Nakakapagod kaya magwish.

“ARAY!” Nag-eemote ako dito, bigla nalang umeeksena. Tinamaan pa ako ng Frisbee ba yun.

“So-sorry miss. Ok ka lang ba?” Tanong ng isang lalaki.

KathNiel One Shots Collection.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon