Rogue and Beauty

Depuis le début
                                    

Grade nine? Hmm.



"Grade nine yung magandang Ashley diba? Ako nala-"


"I volunteer." Sabi ko habang nakataas ang kanang kamay bago pa man ako maunahan.



Minura ko ang sarili ko sa aking isip ng pagtinginan ako ng mga kaklase ko. Alam kasi ng nga ito kung sino ang babaeng hinahangaan ko, yun din marahil ang rason kung bakit nakatingin sa akin kanina si sir.


"Alam na this." Kantyaw ng isa sa mga kaklase kong bakla.


"Grabe baka chance mo na ito, Rogue!" Sabi pa ng kaklase kong nasa likuran ko.


"Naunahan pa ako." Sabi naman ng katabi neto, alam kong biro lang iyon pero di  ko maiwasang samaan siya ng tingin.



"Don't Even think about it." Mapagbanta kong saad habang nakatingin sa kaklase kong ngayo'y namumutla.


"O-oi chill lang. Joke lang naman."


Napabuntong hininga ako at ibinalik an nga mata niya sir na ngayoy nakangiting aso habang nakatingin sa akin.



"Untal, mukhang hindi na normal iyang pagka-crush mo kay Beauty, ah?"



Napuno ulit ng kantyaw ang silid. Hinayaan ko nalang silang mag-ingay total, totoo naman.


Pinanood ko si Beauty na tumatakbo papasok sa gate. Nandito ako ngayon sa rooftop at ngayon magsisimula ang pagtuturo ko, pero alam kong hindi pa sila kompleto at wala doon ang rason kung bakit ako nagboluntaryo, kaya tumambay muna ako dito, para narin makita ko kung dumating na ba siya.


Inangat ko ang pulsuhan ko para matingnan ang oras.



"Seven-forty. Bat late na siya dumating?" Pagka-usap ko sa sarili.


Huminga muna ako ng malalim at pinag sabihan muna ang sarili na wag magpapahalata bago ako tuluyang bumaba sa rooftop. Panay ang hinga ko ng malalim habang naglalakad ako palapit sa room nila, wala pa man pero nagwawala na ang puso ko, hindi ito normal. 



"Goodmorning. " bati ko ng makaapak ako sa loob ng room. Naagaw ko ang atensyon nila malibana babaeng pinapakalma pa ang sarili, hinihingal pa nga ito.


Bat ba kasi late?


"Si Kuya Rogue.."

"O my gosh. Teh, si fafa Rogue ang magtuturo."

"Hindi na talaga ako magseselpon ngayon.."

"Maganda ang umaga kapag siya ang unang nakita, hay."


"Chance ko na tu."


Nanatili ang tingin ko kay Beauty na unti-unti ng nakakabawi mula sa paglahingal, hinintay kong tuluyan na siyang kumalma saka ako nagsimulang magturo. Sinadya kong wag tawagin ang beadle ngayon dahil late siya, baka kasi may okasyon lang silang dinaluhan kagabi o di kayay napuyat siya sa paggawa ng takdang aralin kaya siya tinanghali.


Alam kong hindi iyon tama dahil nagiging unfair ako, pero anong magagawa ko, eh iyon ang gustong gawin ng parte ng katawan kong tumitibok.


Habang nagtuturo ako ay panay ang sulyap ko sa kaniya pero ni minsan ay di niya ako tiningnan, alam kong wala akong pag-asa kahit na saan ko pa man tingnan, sa estado palang ng pamumuhay namin ay ang layo-layo na ng aming agwat, sobra. Pero gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay umangat ako, ng saganun ay baka mapansin na niya ako.



Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Où les histoires vivent. Découvrez maintenant