Chapter 22

463 14 0
                                    

|Chapter|22|Death|

Nagdaan ang mga araw at ganoon parin ang sitwasyon namin, sa umaga ako ang nagbabantay kay Rogue sa gabi naman ay si Paul. Napapansin ko ang unti-unting pagdistansya sa akin Ni Paul pero naiintindihan ko naman, nag-uusap lang kami sa tuwing breakfast, lunch at dinner, at paminsan minsan kapag nagkakasalubong kami ng daan.

As the day pass by mas nadadagdagan ang lungkot ko, lungkot dahil di parin nagigising ang Rogue ko, at di rin ako madalas kausapin ni Paul. Nakakainis pero alam kong wala akong magagawa dahil ako naman ang may kasalanan. But...

Hinawakan ko ang tyan kong nagsisimula ng lumaki at wala sa sariling napangiti. I have my baby now, dapat di ako nagpapa-stress, I should think positive, for my baby.

Napatingin ako sa cellphone kong nasa side table ng kamang hinihigaan ni Rogue, tumunog kasi ito kaya napilitan akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa sofa. Tiningnan ko muna ang tumawag saka ito sinagot. "Yes?"

"Twenty Minutes." Maikling sabi neto at agad na pinatay ang linya.

Kumunot ang noo ko at tiningnan ulit ang recent calls ko, para siguraduhing tama ang pagkakabasa ko sa caller I.D kanina. Si kuya naman ang tumawag diba? Pero bakit iba ang boses ng tumawag? Bakit parang...

Tumawag ulit si Kuya, nagdalawang isip pa ako bago ito sinagot. "Kuya, ikaw batu?"

"Ty.." hingal niyang sabi. "Kinuha tu kanina ng kung sino-" biglang naging malabo ang linya. "My phone-" nawala ulit. "Danger-" biglang nawala ang tawag.

Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa huling sinabi niya, tatawagan ko na sana ulit si kuya ng biglang magkulay itim ang screen, I was about to power ln my phone when a timer suddenly appears. Sixteen minutes.

"Fuck." Mura ko at nagmamadaling pinindot ang emergency buton sa uluhan ni Rogue. Lumikha naman ito ng kakaibang tunog, nagsipasok ang limang tauhan namin na may hawak hawak ng baril, agad nila akong pinalibutan para protektahan, uminit ang ulo ko dahil sa ginawa nila, dahil hindi naman dapat ako ang protektahan kundi si Rogue!

Akmang magsasalita na ako ng hingal na pumasok si Paul at agad akong nilapitan, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ast sinuri ng tingin ang aking kabuuan. "Are you hurt? What part-"


"Si Rogue and dapat nating alalahanin, hindi ako!" Inis na sigaw ko at bahagya siyang tinulak palayo para lapitan si Rogue. Sakto namang dumating ang mga nurses at doktor ng makalapit na ako kay Rogue.

Mabilis naming nilagay si Rogue sa wheel chair, Inunahan ko pa ang nurse sa pagtulak kay Rogue palabas. I heard Paul talking to someone over the phone, discussing about our take off. Hindi ko maiwasang mapatingin sa aking relo.

"Nine minutes..." I mumbled as my eyes starts to water. Hindi ko alam bat naiiyak ako. Sanay naman ako sa ganito diba? Ilang beses na ba akong malapit ng mamatay?

Iba ngayon, I have a child inside me. If I die... Mabilis kong inalis ang kakatulong luha ko at mas binilisan pa ang pagtulak sa wheel chair. Napahtili ako ng may biglang braso ang bumuhat sa akin, awtomatikong pumalibot ang kamay ko sa batok niya.

"Don't worry you'll be safe, the baby and... Rogue will be safe." He said with emotionless face as he carries me bridal style.

Tiningnan ko si Rogue na ngayoy tulak tulak na ng isa sa mga tauhan namin, tiningnan ko ulit si paul at ngumiti. "Thank you, paul." 

Saglit pa niya akong tiningnan habang tumatakbo parin.  "You owe me a lot, so you have to do what I want you to." Lumiko siya ng daan at ganoon din ang kasama namin. "Dont-"


Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now