Prologue

4.7K 130 4
                                    

____________________Prologue

"Oh sige nga, kung matapang ka, kiss or slap mo si Mecho sa 12-STEM," hamon bigla ni Jandra sa akin.

"Mecho? Sino 'yon?"

"Hala! Hindi mo kilala si Mecho?!" Hinampas niya ako sa braso at sinimangutan. "Tanga, sis! You're missing out! Si Mecho ang pinaka-nakakatakot na lalaki dito sa campus!"

"I'm sorry, I've never heard of him," ngumuso ako. "Pwedeng iba na lang? 'Di ko 'yan kilala."

"Sus e'di ituturo ko siya sa'yo! Tapos kiss or slap mo siya, ah?" Kumislap pa talaga ang mga mata niya.

"Akala ko ba nakakatakot siya? Baka mamaya magalit 'yun sa 'kin," pagtanggi ko pa.

"Ano ka ba! Para mas challenging at thrilling!"" Pangungulit niya pa. "Ano, game ka? Wala ng aatras."

"Fine, fine."

Noong una, akala ko talaga hindi ako kakabahan. Pero nung itinuro sa akin ni Jandra iyong sinasabi niyang Mecho ay umurong bigla ang sikmura ko.

Hindi ko alam kung bakit. Ang tapang kasi ng aura niya. Tapos 'yung tingin niya, parang galit, gano'n.

"Dali! Dito lang ako," itinulak pa talaga ako ni Jandra.

"Jandra...pwede iba na lang? Nakakatakot, eh."

"Huh? Sige na! Tatanong mo lang naman kung kiss or slap eh!" Patuloy niya akong itinulak palapit kay Mecho.

"Jandra, huwag na. Sa iba na lang!" I hissed.

"Hindi, huwag! Kay Mecho dapat para mas challenging," papalapit na kami sa gawi nila Mecho na nakatambay sa corridor kaya hininaan niya 'yung boses niya.

"Jand—"

"Mecho! Mecho! May sasabihin daw 'tong best friend ko, oh!" Hiyaw bigla ni Jandra.

Napalingon si Mecho sa amin, pati ang dalawang lalaking kasama niya, tropa niya siguro. Pinagtaasan niya pa kami ng kilay.

"May sasabihin daw!" Turo ni Jandra sa akin bago kumaripas ng takbo paalis.

Napakurap-kurap na lang ako nang humalukipkip si Mecho habang pinapanuod akong mabagal na lumalapit.

"Ano?" He rudely asked.

Napalunok ako, iyong hitsura niya, nakakatakot kahit wala pa siyang ginagawa... bahala na nga.

"H-hi," mahinhin kong sinabi at ipinakita ang hawak na cellphone. "Mecho, uhh..

...kiss or slap?"

Nag-palpitate iyong makakapal niyang kilay, sabay ngisi na parang aliw na aliw. Both of his friends smirked at him while he only scoffed.

"Gusto ko kiss. Pero dapat sa lips."

"H-ha? Seryoso ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko.

Umirap siya at humilig sa pader. Pabiro siyang binalingan ng isa niyang tropa, si Yeji yata ng STEM 12 din, tapos iyong isa naman na sa tingin ko'y si Duval ay isinuot na lamang ang kanyang earphones.

"Pero sa cheeks lang naman ang hinihiling ko," mahina kong sinabi.

Is he serious about that? Mukha siyang nagbibiro dahil aliw na aliw ang kanyang mukha, lalo na nang makita niya ang reaksyon ko. He looked so cocky and bored. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

"I like your lips," bumaba ang tingin niya sa labi ko. "I wanna kiss it."

Napakurap-kurap ako. Inipit ko ang mga labi ko, pilit na itinago, kaya naman gumapang ang kanyang mga mata sa aking mata. He pursed his lips with pure amusement.

"Cheeks lang," napalunok ako.

Nakipaglaban siya ng tingin sa akin, nagtimbangan kami, at kulang na lang ay may mamagitang kuryente sa pagitan ng aming mga mata. At last, he looked away, smirking, licking his lower lip and pushing his hair backwards.

"Okay," he huskily said. "Cheek, it is, then."

Binuksan ko ang cellphone ko at 'saka in-on ang video. Itinaas ko ito at lumapit kay Mecho. Kinailangan ko pang i-adjust ang pagkakahawak ko dahil matangkad siya, ni hindi man lang ako umabot sa balikat niya.

Inatake agad ako ng pabango niya. Ang bango. Amoy mamahalin.

"Kiss or slap?"

"Kiss."

Pinanuod ko siya sa kamera. Nakaside view na siya ngayon at mula dito ay kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang matalim na panga. He slowly blinked, tinatansya yata ako, dahilan upang mai-flex sa ere ang mahahaba niyang pilik mata.

I unconsciously gulped.

Inilapit niya ang mukha sa akin, at inilebel ang mga ito. I felt his hot breath on the skin of my left ear. Nakakakiliti.

"Wanna hear something funny?" He whispered sensually.

I gulped again. Pakiramdam ko ay nanigas na ako sa aking kinatatayuan. Kulang na lang ay magyelo ako, pero taliwas iyon sa nararamdaman ko...parang nag-iinit na ewan.

"Come on, answer me."

"A-ano?"

Akala ko ba kiss or slap? Bakit niya ako tinatanong?

"Look down."

Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Iyong palad niyang nakasarado agad ang nakita ko.

Itinaas niya iyon hanggang sa lumebel sa mukha ko.

"Get ready to scream."

Pagtapos niya iyong sabihin ay mabilis niyang binuksan ang kanyang kamay.

Nabitawan ko agad ang cellphone ko dahil sa gulat at napatili habang tinatampal ang kamay niyang may hawak na ipis!

"Oh my god!"

Napatalon ako nang tumalbog ang ipis sa mukha ko dahilan upang matumba ako at bumagsak sa sahig.

Dumapo ang mga palad ko sa mukha upang pagpagin ang ipis paalis, ngunit naramdaman ko iyon sa aking buhok. Naroon naman ito gumagapang ngayon!

"Please! Get it out!" Hayos maiyak na ako sa pangingilabot at pandidiri.

Samantalang umugong ang malakas na tawanan sa paligid ko. Nangingibabaw pa ang tawa ni Mecho.

"Please get it out..." nanghina ako.

Tears pooled down my face as I fix my skirt. Baka nasilipan na ako dahil sa pagpupumiglas kanina, tahimik akong humikbi at kinapa ang ipis sa ulo kong muli.

Ngunit bago ko pa iyon magawa, mayroon ng nagtayo sa akin.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita ko ang Council president namin....ang crush ko...si Keith!

Kiss or SlapWhere stories live. Discover now