Epilogue

566 30 10
                                    

"KUNG ilalabas mo ang story na 'to, pwede kang kumita ng malaki. Who would've thought that Kaizen Arenzana has that romantic side? Magugustuhan ito ng fans at ng press," sabi niya kay Maggie na ikinatawa nito. Katatapos lang niyang basahin ang huling parte ng diary na ibinalik dito ni Czarina.

"Kaizen and Czarina will kill me," ani Maggie.

"Nakilala ko na dati si Czarina. She sought me for help. Kinuha kasi nila 'yong brother ko na mag-model para sa Rapture. Hindi yata sila pinapansin ng brother ko kaya sa'kin sila lumapit para itanong ang address niya sa Amerika," kwento niya rito.

"Nakita ko ang pictures ng brother mo. He's hot, you know. No wonder napaka-in demand niya sa fashion industry. May girlfriend ba siya?" pagkuwa'y tanong nito na ikinakunot-noo niya.

"Crush mo siya?" tanong niya rito. The thought sent a burning sensation through his heart. A burn that hurts.

"Sino ba ang hindi? Mortal lang naman ako na may mata at puso. Pero may gusto akong iba eh," anitong hindi tumitingin sa kanya. Kinukutingting nito ang mga bulaklak na ibinigay niya rito kanina.

"Sino ang gusto mo?" agad na tanong niya rito. He sounded over-eager to know whom she like, his voice sounded so desperate. Ngunit bago pa man nito masagot ang tanong niya'y dumaing ito ng sakit. Napamura siya ng makitang dumudugo ang hintuturo nito. Kulang na lang ay tumalon siya sa kanyang kinauupuan para makalapit agad dito.

Agad na hinugot niya ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at agad na itinakip iyon sa dumudugong hintuturo nito. Bumangon ang kaba at takot sa puso niya dahil masyadong maselan ang sakit ni Maggie sa mga ganoong sitwasyon. Baka magpasa ang daliri nito o hindi naman kaya'y hindi agad iyon tumigil sa pagdurugo.

"I'll never buy flowers from that shop anymore," galit na sabi niya rito. Mukhang hindi kasi natanggal ang lahat ng tinik ng rose na nabili niya kaya natusok niyon ang hintuturo ni Maggie. He blamed himself. Hindi na sana niya binigyan pa ng mga bulaklak na iyon si Maggie kung alam niyang masasaktan lang ito.

"Okay lang ako. Maliit na sugat lang 'yan o," nakangiting sabi ni Maggie sa kanya.

"Maggie, alam mo ang kondisyon mo. Baka kung saan pa humantong ang—"

Ngunit pinutol nito ang litanya niya. "Thank you for the flowers. I love them," anito saka masuyong ngumiti sa kanya.

Somehow, her voice and her smile answered his question earlier. Or, he wished so.


---WAKAS---

THANK YOU SO MUCH FOR READING MAGGIE'S DIARIES! HANGGANG BOOK 9 PA PO ANG IA-UPLOAD KO DITO. KAYA ABANGAN. 😊

Btw, iilan pa lang ang nakakahula kung kaninong POV ang bawat epilogue. Haha! Nag-cameo kasi siya sa isa kong book na wala dito sa WP.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouWhere stories live. Discover now