Chapter Six

262 13 6
                                    

WALA sa sariling napatingin si Czarina sa kapatid niyang si Caloy nang maramdaman niyang tinapik nito ang kanyang hita. Her eyes were on the moving players but her mind was somewhere else—back in their kitchen area where she and Kaizen shared a delicious kiss.

Isipin pa lang niya iyon, gusto na niyang sumigaw sa nakakairitang kilig na nararamdaman niya. Hindi siya nakatulog magdamag dahil hindi niya maalis sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila ni Kaizen sampung taon na ang nakalilipas hanggang sa kagabi—partikular na sa halik na pinagsaluhan nila at sa sagot nito sa tanong niyang labis na nakapagpalundag ng puso niya. Kaya hindi siya nakapasok sa Royale ngayon. Itinulog niya maghapon ang antok niya bago siya manood ng laro nina Kaizen.

Kaizen was starting to penetrate her system. She didn't like it but she couldn't help it.

"Ate, pakasalan mo na si Kuya Kaizen," ani Caloy sa kanya.

"Ano?" manghang napatingin siya rito.

"Alam ko namang nahihirapan ka na sa'min. Kaya ka nagbo-boyfriend eh para sumaya at para may mag-alaga sa'yo at para may makapitan ka maliban sa'min, 'di ba? Pero lahat nang naging boyfriend mo, hindi naging mabuti sa'yo. Hindi ka nila inalagaan at minahal katulad nang inaasahan mo sa kanila. Pero si Kuya Kaizen, alam kong aalagaan ka niya dahil mahal ka niya. Hindi mo pa man hinihiling ang mga 'yon sa kanya, ibibigay na niya 'yon sa'yo," mahabang litany ni Caloy. For a fourteen year-old boy, her brother knows how to reason out something.

Maingay sa paligid at tila imposibleng marinig niya ang mga sinabi nito pero narinig niya ang lahat ng sinabi nito at tumatak ang lahat ng iyon sa isipan niya.

"Nang dahil lang sa pagkain, boto ka na agad sa kanya?"

"Hindi, ate. Dahil nagkwento siya sa'min nina mama," ani Caloy na ikinataas ng isang kilay niya.

"At ano naman ang ikinwento niya sa inyo?" tanong niya rito.

"Ang love story n'yong dalawa. Nakakakilig nga eh. Kaya botong-boto kami sa kanya para sa'yo. Walang binatbat kay Kuya Kaizen ang mga ex mo, Ate," pagbibida pa rin ni Caloy kay Kaizen.

"At ano naman ang sinabi niya tungkol sa love story kuno namin?"

"That he fell in love with you ten years ago," nakangiting sabi ni Caloy sa kanya.

Boom! Tila iyon isang bomba na nagwindang sa buong sistema niya. Hindi iyon napaghandaan ng puso niya kaya hindi mapigilang bumilis iyon ng tibok na para bang katatapos lang niyang makipag-running marathon kay Kaizen.

Paano nangyari iyon? Malinaw pa sa alaala niya ang naging engkwentro nila ni Kaizen sampung taon na nakararaan. There was nothing good about it. In fact, she shoved him away—almost dumping him. Paano nito nasabing minahal siya nito sa isang pagkikita na iyon? Iyon lang naman ang natatandaan niyang pagkikita nila dahil iniwasan niya ito sa dumaan na sampung taon dahil sa pustahan nilang dalawa.

"I think it's in my prerogative to call someone I like 'babe'," natatandaan niyang sabi ni Kaizen sa kanya noon. He sounded as if he's just tripping her so she took everything he said as a joke. Hindi naman kasi kapani-paniwala si Kaizen dahil alam niya ang karakas nito sa mga babae. Kaya paano siya nito minahal?

Kaizen is a very straightforward person, Czarina, paalala ng isang bahagi ng isipan niya sa kanya. Iyon naman talaga ang pagkakakilala niya kay Kaizen—mula noon hanggang ngayon. Kung ano ang iniisip nito ay sinasabi nito.

Ibig sabihin ay ako ang makapagpapasaya sa kanya? Ibig sabihin ay mahal talaga niya ako?

Hindi kaya...

"Arenzana, three points!" narinig niyang sigaw ng commentator na nakapagpabalik ng tingin niya sa court. Nasa patron seats sila ni Caloy sa likod ng Rain or Shine bench. Nakita pa niya ang pagkindat sa kanya ni Kaizen nang mapadaan ito sa may tapat nila. And she found herself smiling back at him.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouWhere stories live. Discover now