Chapter Six

Mulai dari awal
                                    

What the heck?

"See that wink? May pinaglaanan naman pala si Arenzana ng shot na 'yon," narinig niyang komento ng isang commentator.

"Well, behind every man is a lady, sabi nga nila," sabi naman ng isa pang commentator.

Napailing na lang siya sa komento ng mga ito pero nang maalala niyang nate-televise nga pala ang mga laban ng PBA ay nagyuko siya ng ulo. Nakakahiya kung makikita siya ng mga kakilala niya sa telebisyon.

Ang mga sumunod na minuto ay naging mas mainit na ang laban ng RoS kontra sa paborito niyang koponan ng San Mig Coffee Mixers. Hindi niya tuloy alam kung kanino siya dapat mag-cheer ngayon. She was still hoping for San Mig to win but her heart cheered for Kaizen. Kung mananalo ang koponan ng mga ito'y alam niyang magiging masaya si Kaizen.

And right now, Kaizen's happiness meant something to her.

Oh, what the heck, Czarina?



"BEST player of the game, Kaizen. Ano'ng masasabi mo do'n?"

"Wala eh. Inspired ako eh."

"Inspired ka. Kanino naman?"

"Secret. Pero maraming salamat po sa lahat ng nanood at sumuporta sa'kin, sa amin. To the Lord God, thank You po. I just did what I have to do for the team to win the game. We needed to win this game and the next game badly. We need to win this conference. But thank you to San Mig for giving us a tough fight. It's been rough in the court at hindi naging madali para sa'min ang laban. We need to commend San Mig for that. I'm looking forward to our next game. Pwede ba akong bumati?"

"Go ahead. Basta 'yong inspiration mo 'yan ha."

"Czarina Perez, thank you for watching our game, babe. I love you."

I love you. Sa dami ng sinabi ni Kaizen ay iyon lang ang tumatak sa puso't isipan niya. Did he mean it or was it just for show?

Pagkatapos ng interview na iyon ni Kaizen ay naglakad na sila ni Caloy patungo sa may dugout ng mga ito. Bago pa man sila makarating doo'y naging abala na siya sa pagbabasa ng text messages niya na dumagsa sa inbox niya at iisa lang ang sinabi ng mga iyon sa kanya—ang sweet ni Kaizen. Ikaw na!

Hindi niya na-reply-an pa ang mga ito dahil ayaw niyang lumawig pa ang panunukso sa kanya ng mga kaibigan niya. Nakakahiya! Nakita siya ng mga ito sa tv? Oh, shit!

Ang hindi lang siguro bumati sa kanya ay ang matalik niyang kaibigan si Cyrene dahil abala ito sa sarili nitong problema—ang pagpapansin kay Will Borja. Hindi niya kilala ang Will Borja na iyon pero ayon sa mga text sa kanya ni Cyrene ay mabait naman daw ito. Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin niya si Penn Fonacier para sa kaibigan dahil kilala niya ito. Well, makilala na din naman niya si Will sa nalalapit na panahon. Kapag naging ito na at si Cyrene.

At ngayon ay si Kaizen muna ang dapat niyang problemahin.

Ano ka ba naman, Czarina? Bakit hindi mo na lang i-enjoy ang moments n'yo ni Kaizen? If you two would work out, eh 'di, ideretso n'yo na sa totohanan, anang isang bahgi ng isipan niya.

No freaking way! agad na tanggi niya. Kailanma'y hindi niya pinangarap na maging nobyo si Kaizen.

Pero aminin, he's far more than what you've known him...than what you've expect of him, sabi na naman ng makulit na bahagi ng isipan niya.

This is freaking crazy! naiinis na sabi niya sa sarili.

"Caloy, uwi na tayo," yaya niya sa kapatid. Bumaling ito sa kanya na tila ba nakagawa siya ng isang malaking kasalanan.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang