"Ate, hindi pwede 'yon. Gwapong-gwapo sa kanya si mama 'tapos si Caloy tanong pa ng tanong sa kanya tungkol sa basketball," ani Chai.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Hindi niya masisisi si Caloy dahil katulad niya'y mahilig din ito sa basketball. At hindi rin niya masisisi ang mama niya dahil mahilig din ito sa mga gwapo. "Sige na. Uuwi na ako," paalam niya sa kapatid saka tinapos na ang tawag. Bumalik siya sa mesa nila na inookupa nila ni Kye.

"I'm sorry kung na-disappoint kita sa sagot ko, Czarina," hinging-paumanhin sa kanya ni Kye na mas lalong nakapagpa-disappoint sa kanya.

"Ano ka ba? 'Yon ang makapagpapasaya sa'yo eh. Bakit ka nagso-'sorry'?" aniya rito.

"Pakiramdam ko kasi hindi ka masaya sa sagot ko," amin nito sa kanya.

"Your happiness is what we're talking about here, Kye. Not mine," pangongonsola niya rito.

"Ikaw pala dapat ang isinagot ko," anito sa kanya.

"I would make you happy? Paano pala kung hindi ikaw ang makapagpapasaya sa'kin? Ano'ng gagawin mo?" tanong niya rito. Hindi ito nakapagsalita kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon para makapagpaalam dito. "Kye, I'm sorry pero kailangan ko nang umalis. May emergency kasi sa bahay. Thank you for bringing me here. Paborito ko ang lugar na ito at na-enjoy ko ang date natin," sabi niya rito.

"Not as I've enjoyed it," sabi nito sa kanya. Halatang apektado pa rin sa pag-uusap nilang dalawa.

"Fine. I'll give you that," nakangiting sabi niya rito. Hinalikan niya ito sa pisngi bilang pasasalamat.

"Can I take you home?"

Naalarma siya sa tanong nito. "Hindi na. Magta-taxi na lang ako," tanggi niya rito. Sinundo siya nito kanina sa bahay nila pero hindi nito maaaring makita na naroon si Kaizen dahil baka kung ano ang isipin nito.

"Okay. But can I ask for a second date?" nakangiting tanong ni Kye sa kanya.

She smiled at him and said 'yes'.



"YOU'RE in big trouble, Ate."

Napangiwi si Czarina nang marinig iyon mula kay Chai. Hindi niya alam kung bakit pero nang makita niya ang walang emosyong mukha ni Kaizen ay nakaramdam siya ng matinding guilt.

Bakit? Hindi naman totoo ang relasyon n'yo eh, anang isang bahagi ng isipan niya.

"Kumain na ba kayo?" tanong na lang niya kay Chai.

"Oo, ate. May dalang mga pagkain si Kuya Kaizen eh," ani Chai.

"Ah, okay," tanging nasabi niya rito. Sinalubong niya ang tinging ibinibigay sa kanya ni Kaizen. And she suddenly felt a knot in her stomach. "Okay ka lang?" tanong niya kay Kaizen.

"Not actually. My girlfriend went out on a date, but not with me," nangongonsensiyang sabi nito sa kanya. At ang mas ikinagulat niya'y nakaramdam siya ng konsensiya! She suddenly felt uneasy in front of him.

"Sa tingin ko, kailangan n'yong mag-usap na dalawa na kayo lang," anang mama niya sa kanilang dalawa ni Kaizen pagkuwa'y niyaya nito sina Caloy at Chai patungo sa itaas ng kanilang bahay para bigyan sila ng privacy ni Kaizen.

"Thank you, 'Ma," ani Kaizen sa mama niya. Napanganga siya sa itinawag nito sa kanyang ina.

"''Ma'?"

"She asked me to call her 'mama'," sabi naman ni Kaizen.

Hay, si mama talaga, sabi na lang niya sa sarili. Hindi na iyon bago sa pandinig niya. Ganoon din ang sinabi ng mama niya sa mga nakalipas niyang nobyo.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouWhere stories live. Discover now