Don't just stand there, Czarina! Follow him before he gets away, anang isang bahagi ng isipan niya na sinunod naman niya.

"Kaizen, wait lang. Pwede bang magpa-picture with you? O, kaya naman, autograph? Please? I'm a big fan," pangungulit niya kay Kaizen habang umaagapay sa paglalakad nito.

"Saan ba masarap kumain ngayon?" pambabale-wala ni Kaizen sa kanya.

Kung hindi lang para sa trabaho ko 'to, nunca kitang lapitan man lang! ngali-ngali niyang sabihin dito.

"Dude, why don't you take her out to dinner instead?" anang isang ka-teammate ni Kaizen dito.

"Hindi ako nakikipag-date sa babaeng hindi ko kilala at hindi ko nakikita ang mukha," sagot ni Kaizen sa teammate nitong nagsalita.

"Miss, tanggalin mo na ang wig at shades mo. Malay mo, you might get a chance to have a date with Kaizen," anang isa pang kasama ni Kaizen.

Oh, no, no, no, no, no! At lalong ayaw kong makipag-date sa kanya 'no!

"She's got a nice ass, man," anang isang teammate nito.

"And a good front bumper too," sabi pa ng isa.

"She's hot. Never mind the face," sabi naman ng isa pa.

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa mga sinasabi ng mga ito tungkol sa kanya—sa katawan niya. At pangit ba siya? "You all know that I'm standing right here and I can clearly hear you!" inis na sigaw niya sa mga ito.

"We're sorry, babe," natatawang hinging-paumanhin ng isang player.

"Don't call her that," biglang sabi ni Kaizen na ikinataas niya ng isang kilay. "Mauna na kayong kumain. Basta i-text n'yo ako kung saan kayo pupunta," anito sa mga ka-team nito.

Pagkasabi niyon ni Kaizen ay inulan ito ng tukso ng mga kasama nito. Ilang minuto rin bago humupa ang mga pag-aasaran bago tuluyang umalis ang Team RoS at silang dalawa na lang ni Kaizen ang naiwan sa may dugout.

"Why are you here, Czarina? As far as I know, San Mig ang paborito mong team," sabi sa kanya ni Kaizen.

"Natatandaan mo ako? At paano mo nalamang ako 'to? Paano mo rin nalaman na San Mig supporter ako?" gulat na tanong niya rito.

"I know your voice. Hinding-hindi kita makakalimutan. We made a bet, remember? I'm keeping that bet until now. Isa pa, I know that you would bet on any team against me. Kaya alam kong hindi talaga kita fan. Ikaw pa. You loathed me. To answer your last question, nakikita kita sa patron seats sa likod ng San Mig team madalas," anito sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na napapansin pala siya nito sa dami ng mga taong nanonood ng bawat laban ng mga ito. Well, siguro nga ay nakilala na siya nito noon pa man. Ibig sabihin ay isinasakatuparan talaga nito ang pustahan nila noon!

"So, why are you here? Don't tell me kasama ka rin ng mga taga-Rapture?" anito sa kanya.

"Actually, yes. Would you endorse for them? Please?" sabi niya rito.

"Convince me," nanghahamong sabi nito sa kanya.

"Kaizen, forget about that bet for now. Personal na bagay 'yon, trabaho ang inilapit ko sa'yo ngayon," prangkang sabi niya rito.

"And then again, you never fail to hurt my ego, Czarina. Kung hindi pa pala dahil sa trabaho, hindi mo pa ako lalapitan. Pero alam mo kung ano ang ibig sabihin nang paglapit mong ito sa'kin ngayon 'di ba?" ani Kaizen sa kanya.

Oh, shit! "Hindi."

"Nakalimutan mo na ang pustahan natin? Okay. Let me remind you about it. Ten years ago, we made a bet and a deal. Kapag ako ang unang lumapit sa'yo at nagmakaawa, I'll buy you a car and a house. No questions asked. Pero kapag ikaw ang unang lumapit sa'kin at nagmakaawa para sa atensyon ko, katulad nang ginawa mo ngayon, magiging girlfriend kita. No questions asked. Naalala mo na ba, babe?" mahabang litanya nito sa kanya na binigyang diin pa ang mga katagang "girlfriend" at "babe".

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon