WAY 17

479 17 0
                                    


"Akala ko sa susunod na linggo ka pa makakabisita?" Tanong ko kay Ken.



"Namiss kita, sobra!" Sagot niya at niyakap ako. "I have a surprise for you!"



Pumasok na rin sa bahay si mommy at may kasama siyang lalaki.



"Is he your boyfriend mom?" Hindi ko na napigilan ang bunganga ko. Inalis ko ang kamay ni Ken.



Natawa lang silang tatlo.



"Anak. Yes he is. But." Tumigil si mommy at napatingin siya sa lalaki. Tumango naman ito kay mommy.


"Mom?"


"He is also your biological father." Ngiting-ngiti si mommy pero di ko maipinta ang mukha ko.


"Mommy, I thought my father is dead." Seryoso ako na naguguluhan.


"I never told you anything like that and you didn't bother asking me." Sagot ni mommy.


"All my life, I didn't put a name under my Father's because of that mom." Napabaling ako sa lalaki. "Are you really my father?" Tanong ko sa kanya.



"Yes. I am Rey Sy, your biological father."


"And all these years, you didn't bother showing yourself to me?"


"Because..." Mom tap his back.



"Anak, I'll let him explain to you when you're not in that state." Mom said.



"I'm being cool here mom."




"Cae, tama na." Saway ni Ken.




"But, why are you here now?" Tanong ko ulit sa tatay ko raw. "I'm just asking. Is that really hard to answer? But, ikaw ba talaga ang ama ko?"


"Nakakaloka ka Cae, nanay mo na nagsabi, ayaw pang maniwala." Ken interrupt me.



"Ken, stop while I'm being nice here." Itinaas naman ni Ken ang dalawang kamay niya tsaka umupo sa may sofa.



Tinitigan ko ulit si Mr. Sy. "Can I hug you?" Tanong niya. Tumingin ako kay mommy at Ken, tumango sila pareho kaya umoo ako.



Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "I'm so sorry for all the years that I'm not here by your side. Don't worry, I'll never leave you again. Your mom spoils you all the time because that's what I told her to. Alam ko namang matino itong lalaking napili mo na maging parte ng buhay mo at hindi ka papabayaan." Niyakap ko siya pabalik at napaiyak na rin ako.



"Hindi ako binigo ng mommy mo sa pagpapalaki niya sa'yo." Dagdag pa niya.



"Pero bakit talaga biglaan na nandito ka, da...daddy?"


"Ilang buwan na ang nakalipas ng may makiusap sa akin na magpakilala sa'yo. Kaso hindi yata umaayon ang tadhana. Pero hindi ko lang alam kung matutuloy na ngayon."



Napataas na lang ako ng kilay sa kanilang tatlo.



"He was there in your 20th birthday, you just didn't notice because your eyes was focused on Ken. Remember when we planned your birthday and you had your worst nightmare? Ipapakilala ko sana siya sa'yo but I don't know what to do then dahil hindi ko naman alam kung anu-ano ang bumabagabag sa iyo dati. Pero nung nabanggit mo na sakin kung anong problema. Naisip ko, wala naman na siguro akong aalalahanin kapag pinakilala ko kayo sa isa't – isa. At nakikita ko naman na wala akong problema."


"At isa pa. Ayoko namang wala ako sa isa sa alam kong pinakamasayang araw mo."


Anong trip ng mga to? Wala namang okasyon today a.



Hindi sila nagsalita, tinignan lang niya ni mommy and daddy si Ken.



Eto namang si Ken ang laki yata ng problema.



"Mommy, hindi ready oh!" Turo niya sa kuko ko.


Ganon na ba talaga sila kaclose ni mommy para hindi siya mahiya na lagi na lang mommy ang tawag niya sa mommy ko.



"Anong problema mo sa kuko ko?" Chineck ko naman ang mga kuko ko. Wala namang dumi. Malinis naman, tinatamad lang magnail polish.


"It's now or never." Bulong ba yun ni daddy kay Ken? Parang hindi bulong yun e.


"Hindi pa dapat ngayon e. Baka takbuhan ako daddy. Hindi nakanail polish oh! Pero sige na nga.." Reklamo ni Ken. Pero daddy talaga?



Bigla siyang lumuhod sa harap ko at may kinuha siyang box na maliit sa bulsa niya. Nabigla ako.



"Shann Cae Marcos, I dare you to marry me."



"Pusang gala. Kaya pala kuko ko tinitignan mo. Bakit ngayong wala akong nail polish!" Sigaw ko kay Ken at sinabunutan siya.



"Hoy Cae, yang kuko mo. Mahahaba, nasugat na yata ulo ko." Reklamo ni Ken.



"Arte mo Shann. Akala mo naman mabubuhay ng wala si Ken." Si mommy. Napangiti lang si daddy. Inirapan ko lang silang dalawa.



Kumalma ako. "Okay, ulit." Sabi ko kay Ken.


"Shann Cae Marcos, I dare you to marry me."


"Before I answer that. Mr. Felip Jhon Suson, I dare you to always find your way to me when things are not going well between the two of us."




Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata at parehong napangiti na naiiyak.


"Dare accepted." Tugon namin sa isa't-isa.

A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora