WAY 15

676 23 7
                                    

Napaupo na lang ako at umiyak. Hindi man lang niya ako pinakinggan. Ganito pala ang feeling?

“Cae, uwi na tayo.” Si Sejun.

“Sejun, si Ken. Di ko na kakayanin pa kung mauulit lang yung nangyari.” Humagulgol na ako.

“I know Ken, he will listen to you Cae. He will.”

Itinayo ako ni Sejun at inalalayan hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya.

“Pwede daan muna tayo ng kape?” Hindi ko namalayan na sinabi ko yun kay Sejun, pero matagal ko nang naging comfort drink ang kape. “Drive thru na lang sa Mcdo, isang large iced coffee lang. Pls.”

Tumango lang si Sejun.

Hindi nagtagal nakarating kami sa Mcdo.

“Vanilla Shann?” Tanong ni Sejun.

“Oo, isa lang.” Sagot ko.

“3 large iced coffee vanilla and 1 bff fries please.” Order ni Sejun.

“Huwag mo naman akong patayin Sejun. Isa lang.”

“Sinabi ko bang ikaw lang ang iinom?”

Nakuha agad namin ang kape tsaka kami tumuloy sa bahay.

“Akala ko ba sa bahay? Ihatid mo na ako sa bahay Sejun.”

“Dalhin mo yang dalawang kape, akin yang fries. Sa kusina ka pumunta. Dun ka umiyak.”  Agad bumaba si Sejun sa sasakyan hawak hawak ang isang kape at fries.

Nandito kami sa bahay nila.

“Ken?” Halos mabitawan ko ang hawak ko.

“Cae, come here.” Sabi ni Ken.

Nahihiya akong lumapit kay Ken hanggang sa inagaw niya sa akin ang kape at nilapag sa counter top table tsaka niya ako hinila at niyakap nang mahigpit.

“Cry.” Yun lang ang sinabi niya at nag-uunahan agad lumabas ang mga luha ko.

Niyakap ko siya pabalik.

“Sorry Ken, sorry.” Kusang lumabas sa bibig ko.

“Tell me everything when you’re ready, okay? I’ll understand.” Tsaka niya ako hinalikan sa noo.

“Thank you, Ken. Akala ko iiwan mo na talaga ako.” Mahinang sambit ko.

“I won’t because I can’t. Mahal na mahal kita, Cae.”

“Pero bakit ka nandito?” Tanong ko sa kanya.

“Sabay kami ni Sejun dumating. Idinaan niya ako sa bahay niyo pagkaalis mo kanina. May sinabi siya sa akin, nagalit ako pero syempre mas nangibabaw ‘to.” Turo niya sa puso niya. “So,  I dare you to tell me the truth when you’re ready.”

Halos matawa ako sa dare niya na yun.

“Promise, I’ll tell you everything. Iloveyou!” At nginitian ko siya.

“Iloveyoutoo, Cae.”

A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)Where stories live. Discover now