WAY 8

637 30 5
                                    

“Sorry to interrupt the both of you.” Si Justin lang pala.

“Justin naman.” Reklamo ni Ken.

“Kakausapin ko lang din si Cae dahil hindi niya ako pinatapos nung huling pag-uusap namin.” Sabi niya kay Ken.

Tumayo muna si Ken at nagpunta sa bungad ng tent.

“Sorry Cae. So eto na yun. Itutuloy ko lang ang gusto kong sabihin sa’yo noon. Matagal na noong umatras si Ken sa dare namin Cae bago pa siya umattend ng birthday mo kinausap na niya ako noon tungkol sa dare. After nung nagbakasyon siya sa inyo. May isang beses na nag-inuman kami, kasama namin si Sejun at Dan. Eto yung nakwento ni Dan sa’yo. Maaga lang natulog si Sejun noon tapos si Dan biglang lumabas nung after kong natanong kay Ken yung about sa inyo.”

“Diba hindi siya sumagot?” Tanong ko.

“Matagal siyang hindi umimik pero nagsalita si Ken. Seryoso siya tungkol sa’yo. Kase siya na mismo yung nahulog sa’yo nang sobra. Nakita ko kung gaano siya kasaya nung kayo. Lagi ka niyang bukambibig lalo na kung dalawa lang kaming magkasama. Naalala ko rin na minsan ka na pala naming nakilala, ikaw yung babae noon sa bahay nila Dan na masungit. Ikaw yung babaeng tinititigan ni Ken, diba ikaw to?” Ipinakita niya sa akin ang phone niya.

It was me, 5 years ago, nakasimangot ako na nakatingin sa malayo. Noong una kong nakilala sina Sejun.

“That photo was taken noong unang beses kong nakita si Sejun. I was only 15 back then. Saan mo nakuha yan?”

“Sinend to ni Ken sa akin noon sa messenger. May pinag-uusapan kase kami noon na hindi alam ng iba naming kasama tapos bigla na lang ikaw naging usapan. Kaya siguro noong nakilala niya si Shanaia, akala niya ikaw yun. Dahil nga magkamukha kayo. Nagkamabutihan lang sila noon. At noon yun.”

“Anong ginawa niyo sa Bora noong nasa Ilocos si Stell? Kasama niyo si Shanaia.”

“Kanino mo nalaman yan? Nagpunta kami sa Kalibo pero hindi sa Boracay.”

“Importante pa ba?”

“Hindi kami galing sa Bora noong araw na iyon. Sa mismong Kalibo lang kami dahil nagpasama ako kay Ken noon para bisitahin yung kababata kong si Riz, doon kase siya nagbakasyon, dalawang araw lang kami doon. Hindi ko naman alam na hindi niya ipinaalam sa’yo. Nagkataon lang na noong pabalik na kami sa Manila, nagkasalubong kami sa airport nina Shanaia at Daniella, iisang flight lang kami kaya kami nakitang magkakasama.”

“At bakit ako gustong kausapin sana ni Chalil kanina?”

“She will just chat you daw dahil hindi ka na niya nahagilap kanina. Basta mag-usap na lang kayo ng maayos ni Ken.”

“Para saan pa?”

“Give him another chance to prove himself Cae. Kahit last chance na kung yun ang kaya mong ibigay sa kanya. Ayoko na siyang nakikitang naninigarilyo, umiiyak o walang imik. Hindi siya nagsasabi ng problema niya pero alam ko. Nararamdaman ko. Parang kapatid ko na siya. Ako na mismo ang magmamakaawa sa’yo. Isipin mo na lang yung mga pinagsamahan ninyo. Pagbigyan mo rin ang sarili mo na maging masaya ulit Cae.”

Bago siya lumabas ng tent ay tinapik niya ang balikat ni Ken.

Umupo naman ako sa monoblock chair na nakita ko dahil nakaramdam na ako ng hilo.

“Cae, ayos ka lang?” Tanong niya.

“I’m fine. Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na ngayon para makauwi na ako.”

“Cae, nung mga oras na hindi ako nagtetext o hindi ako sumasagot ng tawag. Nag-iisip ako. Bago pa man nabanggit sa akin ni Justin yung kuha kong picture sa’yo noon. Naalala ko na yun. Iniisip ko na bakit ko inakalang si Shanaia yun. E ibang-iba ka sa kanya.”

“Alam ko. Hindi naman kami iisang tao para parehas na lang lahat.”

“Nabanggit kita sa kanya noong nakasabay namin siya sa flight. Pinakita ko sa kanya noon ang picture, na akala ko siya. Masaya siya para sa akin. Noong nagpunta ka sa amin na nadatnan mo si Shanaia, di ko alam ang gagawin ko, nabanggit ko sa kanya na dahil sa dare lang tayo nagkakilala at sinabi ko sa kanya na hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo.”

“Mas pinili mong ilihim? Ano ang nangyari ngayon?”

“Nagsisisi ako Cae. Sana sinabi ko na lang agad sa’yo para hindi tayo humantong sa ganito. Please give me a chance.”

Napatayo ako nang lumuhod siya sa harap ko.

“Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan.” Pero hindi siya sumagot. Narinig ko siyang humihikbi.

Bakit ako ang nasasaktan? Ayoko siyang makitang nagkakaganito. Dahil ayaw niyang tumayo, nakiluhod na rin ako at hinarap siya. Hinawakan ko siya sa mga balikat niya.

“Ken, please. Tama na.” Pagmamakaawa ko. Namumugto na ang mga mata niya.

I tried wiping his tears pero hinawakan niya ang kamay ko.

“Please give me another chance. One last chance. Cae, I still love you. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Just please give a chance para mapatunayan ko sa’yo na totoo ang mga sinasabi ko.” Sobrang hina nang pagbigkas niya.

“Tumayo ka na muna.” Sambit ko bago ako tumayo.

“Will you give me another chance?” Tanong niya.

Hindi ako sumagot pero tumango ako. Bigla siyang tumayo at niyakap ako.

“Thank you Cae, I won’t waste it this time. I love you.”

_____
Wait lang. Ayaw magwork ng imagination ko. Huhu! Pero sana suportahan niyo pa rin ito.

Hintayin niyo po ang next chapter. Medyo busy po ako.

Will post chapter one of Stell's story entitled "SO NEAR AND YET SO FAR" by next week.

Love,
zeannnnn



A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon