WAY 5

653 31 0
                                    

Summer break is almost over and I’m so tired of being here at home all day.

*faye calling*

“Ano?” bungad ko.

“Friend, kelan ka mag-eenroll? Sabay ka ba sa’kin bukas?”

“Ba’t ngayon mo lang naisip na tumawag?”

“Ay iba ang sagot. Basta sabay tayong mag-enroll bukas. May ikukwento rin kase ako sa’yo pero kailangan kong sabihin ng personal dahil gusto kong makita yang reaksyon mo.” Tugon niya.

“Ano na ba naman yan?” Tanong ko sa kanya.

“Basta.”

“Kita nalang tayo ngayon o. Daanan kita, starbucks tayo.” Anyaya ko.

“Libre mo ba?”

“Oo na. Puro ka na lang libre e.”

“Kung ayaw mo, bukas na lang."

“Sabing ngayon na e.” Pagpupumilit ko.

“Oo na. Oo na. Eto naman galit agad. Daanan mo ako after 15 minutes a? Ligo lang ako, di pa ako naliligo e.”

“Sige na. Basta hintayin mo na lang ako diyan sa labas niyo. Hanapin ko lang wallet ko. Bilisan mo diyan a.”

At binaba na niya ang tawag.



“Akala ko ba starbucks Cae? Scam ba ‘to? Kailan pa naging starbucks ang sharetea?” Reklamo sa akin ni Faye

“Nakapag-starbucks na ako noong nakaraan e. Ang dami mong dada. Gusto ko lang naman ng RSC wintermelon with coffee jelly.”

“Wow! Lumabas ka mag-isa te? So inom ngayon, palpitate or anxiety later? Bawal na nga sa’yo yan.”

“Hindi naman ikaw ang magsusuffer. Pero kase nung isang araw, may nakipagkita sa akin.” At nagkwento ako sa kung anong napag-usapan namin ni Chalil. “At ikaw naman ngayon ang magsalita. Alam kong tungkol kay Ken yan.” Dagdag ko.

“Mind reader ka talaga. So ganito kase yun. Ay wait. Ivideo kita. Hahaha!” At inilabas nga niya yung phone niya.

“Seryoso ka ba?”

“Oo, eto na nga. Diba never tayong nakapagkita after last sem. So nagbakasyon talaga ako, literal na bakasyon. Pero huli namin napuntahan ng pinsan kong si Drea ay sa Bora. 2 weeks ago lang yun kaya medyo tan pa ako.”

“Tangina, matagal nang ganyan ang kulay mo.”

“Recorded to. Wag ka magmura. Ipapakita ko to kay Ken para maturn off siya sa’yo.” Sabi niya.

“Oh anong meron sa Bora?”

“Itong si Drea kase, matagal na pala niyang kilala si Justin. Nagulat na lang ako nung nabanggit niya buong pangalan ni Justin. Hindi niya alam kung namamalik mata lang siya or siya mismo yung nakita niya na may kasamang isang lalaki pa at dalawang babae daw sa airport sa Kalibo. Hindi ko natignan kase biglang dumating yung sundo namin. Pero ang sabi niya, parang ikaw, dahil ang pagkakasabi niya yung babaeng naipakililala ko noong nagpunta siya dito last year. So nagtaka ako. Wala naman kayong usapan noon ni Ken na magbobora kayo. And hindi kita makontak noon kaya hinayaan ko na.”

“Kung 2 weeks ago, yan yung after nung nag-usap kami ni Chalil sa starbucks and hindi sumasagot si Ken sa mga tawag ko kaya ako nag off ng phone.”

“Pero nakakausap mo na ngayon?”

“Madalang lang kaming mag-usap. Hindi ko alam parang ang cold niya.”

“Hala ka girl. Painitin mo kase. Hahaha! Pero seryoso, tanungin mo kung may mali. Hindi na maganda yan.”

“Oo na.”

Curious ako sa ikwinento ni Faye, na parang tumutugma sa kwento ni Chalil. Kaya nagchat ako kay Chalil, nakaonline naman siya.

Me: Hello Chalil.

Chalil: Napagtanto mo na ba ang mga pinagsasabi ko sa’yo?

Me: May itatanong lang ako. Alam mo ba kung nasaan si Ken noong nandito ka sa Ilocos?

Chalil: Ayoko na sanang pakialaman ang buhay niyong dalawa dahil pinagsabihan na ako ni Stell. I’ll be honest with you girl, all I know is nasa Boracay siya kasama ni Justin pero hindi ko alam kung may iba pa silang kasama.

Me: Sure kang hindi mo alam kung may iba pa ba silang kasama?

Chalil: I don’t know if this will be the last time that I will talk to you kase baka pagsabihan ulit ako ni Stell. Yun lang ang alam ko na nasa Bora sina Ken and Justin that time, Josh, went home to be with his family and Sejun, I don’t know. Pero you can always contact me here.

Me: Sige. Salamat.

Hindi naman siguro nagsisinungaling ang babaeng ito dahil parang pinipigilan siya ni Stell magsalita.





“Sorry.” Sabi ni Dan sa akin. Kararating pa lang niya dito sa bahay ay parang may problema na siya.

“Bakit?” Tanong ko.

“It was a dare. I’m so sorry.” Sabi niya ulit.

“Dare? What do you mean?”

“Yung sa inyo ni Ken.”

“Huh?”

“Nung time na nabunggo ka niya sa mall, planado yun. Bago kase kami maglunch noon ay napagtripan nila si Ken dahil siya yung huling dumating noon. E nataon na ikaw yung itinuro ni Justin. Hindi kita namukhaan kase hindi mo suot eyeglasses mo at medyo may kalayuan kung saan kami galing kaya ako naman hindi na nakialam. Dumiretso akong Gerry’s Grill kase naghihintay si Sejun doon at iniwan sila bago ka nila nilapitan, diba galing kayo sa kanya noon? Natatandaan mo ba noong may absences ako, nagpunta akong baguio noon. One time, nag-iinuman kami nina Justin, matutulog na sana ako pero ayun narinig ko na tinanong niya kay Ken kung ano na ang meron kayo e nagsimula lang naman daw yun sa dare. Pero hindi ko narinig na sumagot si Ken, nakayuko lang siya.”

Tama siya, nagcontacts kase ako that day.

“No way. Hindi totoo yan. Mahal ako ni Ken. Totoo yung nararamdaman niya sa akin.” Humagulgol na ako. Hindi ko na napigilang umiyak. “Omg! Nandoon ba si Sejun noon?”

“Pasalamat ka at maaga siyang natulog, kung hindi ay basag na ang mukha ni Ken. Sana nga totoo. Kase ako mismo ang bubugbog sa kanya kung laro lang ‘to, ilang buwan na yung dare. Sorry talaga Cae.”

“Kaya ba hindi na nagpaparamdam si Ken? Kaya ba biglaan na lang naging ganito? Na parang wala lang ako sa kanya? Bakit ako pa kung ganoon lang naman?” Sunud-sunod na tanong ko kay Dan.

“Cae, calm down. Huwag kang umiyak.”

“Can you come with me? Pupuntahan ko siya.”

“Pero Cae, may pasok na tayo sa Monday. Patapos na ang summer break.”

“If you won’t come, I’ll go alone. I just want to make sure Dan. Kung hindi totoo ang lahat, ako na mismo ang tatapos, para matigil na ‘to.”

“Okay fine. Pero hahabol tayo sa class on Monday. Sunday afternoon or morning, balik agad tayo dito. I’ll just drive my car para hindi aksaya sa oras.”

“Thank you so much Dan.” At niyakap niya ako.

____
Mahaba ito pero I cut it into two.
Please keep on supporting SB19 plus my work. Hehe ✌

Do follow, vote and add this in your library.

Love,
zeannnnnn

A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)Kde žijí příběhy. Začni objevovat