WAY 2

1.1K 42 0
                                    

“Merry Christmas.” Napatulala ako. Boses yun ni Sejun. Napatingin ako sa may pintuan.

“Sejun.” Sigaw ko. Napatayo ako.

“Shann, I miss you!” Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Ahem! Nandito ako mga bes.” Reklamo ni Faye. Nakipagyakapan naman siya kay Sejun. “Talaga namang si Sejun lang ang tumatawag sa’yo ng Shann a. Ahem! May something ba?” Dagdag ni Faye.

“Si Dan, nasaan?” Pagwawala ni Sejun sa tanong.

“Nasa room niya. Lasing kagabi. Grabe!“ Tawang-tawa si Faye dahil iiyak iyak si Dan kagabi sa dami ng nainom. “Wait lang gisingin ko na lang, Maglulunch na tayo mamaya oh! Kanina pa si Tita nagpeprepare.” At tumakbo na ito papunta sa kwarto ni Dan.

“Kumusta Shann?” Tumabi na siya sa akin sa pag-upo.

“Ayos lang, namiss lang kita Kuya.”

“Sabing huwag mo akong tatawaging kuya. Ilang taon lang pagitan natin e.” Reklamo niya at ginulo ang buhok ko.

“Syempre mas matanda ka pa rin sa amin nina Dan.”

“Ano na ang meron kayo nung kinukwento mo sa akin?” Tanong niya.

“Wala.” Tipid kong sagot. Ayokong sabihin sa kanya na nagkakamabutihan na kami.

“Kapag yan niloko ka, papahunting ko yan Shann. Sabi ko sa’yo huwag kang magboboyfriend.”

“Concern si Kuya Sejun.” Sarkastiko kong sagot.

“Syempre. Pero oo na tanggap ko na. Basta lang masaya ka, okay na sakin yun.”

“Drama mo.” Sagot ko.

Nasabi na kase sa akin si Dan noon na gusto akong ligawan ni Sejun pero parang hindi ako handa. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Kapatid lang din ang turing ko sa kanya kaya wala talagang pag-asa.

“Shann?”

“Huh?”

“Yan ka na naman sa pagdadaydream mo, ano nga ba ang pangalan nung sinasabi mo?”

“Wala po. Tsaka na kapag napatunayan kong seryoso siya sa akin.”

“Pakilala mo yan sa akin a. Kapag nakita kitang umiiyak diyan, papabugbog ko yun sa mga kagrupo ko.”

“Talaga lang a?” Tumango lamang ito at ngumiti.

“Yung regalo ko pala para sa’yo, iniwan ko na sa bahay niyo kanina. Ayokong magbitbit ka pa ng kung anu-ano kapag umuwi ka.

“Hala, wala akong gift for you. Nakalimutan ko.”

“Ayos na sa akin na makita ka. Don’t worry, okay?”

Kinagabihan ay nagvideo call kami ni Ken.

“Hello Cae!”

“Hi, di mo ko nabati kagabi.” Tampo ko.

“Wala pa bang nakarating sa’yo?” Tanong niya.

“Huh? Na alin?”

“Wait.”

“Ano ba kase yan Ken?”

“In 5…4…3…2…1”

May biglang kumatok sa room ko. “Pasok, hindi po yan nakalock.”

Bumungad sa akin si mommy.

“Anak, pasensya na, kung di pa pinaalala ni Ken itong regalo niya sa’yo, hindi ko na maibibigay. Oh! Kausap mo pala. Labas na muna ako.” At umalis din kaagad si mommy.

“Ano na naman itong pakulo mo Ken?”

“Ayaw mo ba?”

“Gusto. Minsan lang ako mabigyan ng teddy bear e. Paano mo pala nakakausap si mommy?”

“Secret. Hahahah!”

“Nako Ken, ikaw a. Matanong nga si mommy mamaya.”

“Kahit magtanong ka sa kanya, hindi siya magsasalita. Nasaan pala yung akin?”

“Anong sa’yo?”

“Christmas gift ko, nasaan?”

“Hintayin mo na lang din, next year. Hahaha! Di ka pa ba matutulog? Inaantok na ako e.”

“O sige, matulog ka na po. Goodnight Cae.”

“Goodnight Ken. Iend ko na to a.” Tumango lamang si Ken at ngumiti.

_____
This is a short and lame update pero babawi ako sa next chap. Hehe ✌

Love,
zeannnnn

A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)Onde histórias criam vida. Descubra agora