Chapter 16

8 1 5
                                    

CHAPTER SIXTEEN
Prom night

Dumating na nga ang pinakahihintay ng juniors and seniors. Ang prom night. Nagismula na rin ang practice sa cotillion at laking pasalamat ko talaga na iba ang kapartner ko.

"Okay lang ba 'to?" Tanong ng kapartner kong kanina pa tense. Nakangiti ko naman siyang inapproach pero parang takot. Hindi naman ako nangangain ng tao.

"Oo, naman," Sagot ko kahit medyo na lito sa sinabi niya.

Paano naman hindi magiging okay eh partner nga kami. Baliw lang. Nagsimula na ulit ang music kaya napaposition agad ako. Ang kasama ko naman ay nagaalinlangan paring hawakan ako sa beywang.

"Uy! Relax ka lang," sabi ko para pagaanin naman ng kunti ang pakiramdam niya. Kanina pa 'to linga ng linga eh.

Umiling iling siya at yumuko habang sumasayaw. Napangiwi na lang ako. Buong practice nakaganun lamg siya. Tinatanong ko naman pero iling lang ang sinasagot. Mapapanis laway ko dito.

Nang matapos ang music ay agad siyang umalis. Last na practice na kasi sa araw na 'to. Nagkibit balikat na lang ako. Dumeritso ako sa mga kaibigan na nagliligpit na ng gamit.

"Ano uwi na tayo?" Tanong ko sa kanila.

Uminom muna sila ng tubig bago kami nagsimulang maglakad. Feel na feel ko iyong pagod sa katawan ko. Bukas na kasi ang prom kaya dapat final na ang sayaw namin. Makakapaghinga naman kami bukas ng umaga dahil sa gabi ang prom night.

"See you tomorrow!"

Napatingin ako sa gilid kung saan nagpaalam ang babaeng kapartner ni Lorenzo habang siya naman ay tumango lang bago lumapit sa amin.

Umiwas ako ng tingin at kunwari hindi iyon nakita. Ang ganda ng langit ngayon. Mukang hindi uulan bukas. Salamat naman.

"Uwi na kayo?"

Narinig kong tanong niya sa likuran. kunwari ay hindi ko siya nakita. Sige lang ,lou. Hayaan mong siya ang unang pumansin sayo.

At hindi nga ako nagkamali. Ilang segundo lang ay nasinghot ko na ang pabango niya sa gilid ko. Sinasabayan niya ako sa paglakad.

"Sabay na tayo bukas ng gabi."

Aba! Hindi man lang ako tinanong kung okay lang. Pero okay lang din naman. Makakatipid pa ako ng pamasahe. Pero paano iyong partner niya? Diba dapat siya ang magsusundo dito.

"Paano iyong partner mo?"

Hindi niya ako sinagot. Inisnob niya ako. Eh nagtatanong lang naman ako. Napakamot ako sa ulo.

" 'wag ka ng umarte. Mamaya babawiin 'yan." Bulong ni Akira.

Nagulat naman ako 'don. Bigla biglang sumuaulpot. Pinanlakihan ko siya ng mata. Baka mamaya marinig ng mga kasama namin. Hindi pa ako ready na sabihin.

Kinabukasan ay hinanda ko lang ang mga dadalhin ko at susuotin. Nagtext sa mga kaibigan kung saan kami mamaya magkikita kita. Nakakahawa ang excitement nila. Wala tuloy akong nagawa kundi bantayan ang oras.

Nang nakapagayos na ako laha't lahat doon ko lang na realized ang susundo sa'akin. Bigla akong kinabahan. Ewan kong bakit. Hindi naman ako conscious sa suot. Confident pa nga ako dahil ako ang pumili ng gown na 'to.

Ng magbusina ay tinawag na ako ni mama. Alam niya kasing si lorenzo ang susundo sa akin. Tinulungan niya ako sa gown dahil medyo mahaba 'to. Pagbaba namin sa labas, ang malamig na hangin ang sumalubong sa amin.

Suot ang black na tuxedo at maayos na buhok palihim akong humanga sa kanya. Tiningnan ko siya ng mabuti. Last year sa picture ko lang nakita ang suot niya sa prom nila. Naka tag kasi siya sa Fb. At wala naman ako pakealam sa mga panahon na 'yon.

It's Called UsWhere stories live. Discover now