Chapter 1

36 15 2
                                    


CHAPTER ONE
First day

Lahat ng mga students ay pinapunta sa field dahil may flag ceremony at kaunting program. Agad na nagsipuntahan kami roon.

"Hindi ko siya makita, Simon."

Kanina pa talak ng talak si Akira tungkol sa isang lalaking nakita niya sa gate noong papasok siya. Napalinga linga naman si Simon.

Marami kaming nakakasabay na mga estudyante papunta sa field. May nagtatakbuhan pa at nagpapaunahan. Feel ko mga dating students sila. May lakas na loob kasi silang tumakbo tapos may nakakabanga pa.

"Wag nga kayong tumakbo." Sigaw ng babae ng nabanga siya nito pero ang mga loko nagtawanan lang.

Naglinyahan na kami at sa kasamaang palad ako pa ang nasa hulihan. Kasalanan ko bang matangkad ako. Kakaway kaway naman si Carson na nasa gitna at si Akira na nasa bandang unahan dahil kinulang siya sa height. Sa linyahan naman ng mga lalaki si Simon na feeling ko ay kinikilig dahil pinapalibutan ng mga kalalakihan.

Nang tinugtog na ang pambansang awit siempre tumayo kami ng tuwid at nilagay ang kamay sa dibdib. Nakisabay pa ako sa awit. Pagkatapos nun ay kaunting exercise galing sa mga Supreme Student Government.

And guess what? Dito nagaaral ang crush ko at siya ang SSG president ng school. Siya ang nagwelcome ng mga new students at may mga sinabing tungkol sa school. Mas lalo tuloy akong nahulog sa kanya.

Kaya nang pabalik ay siya ang laman ng utak ko. Hindi ko na namalayan ang dinadaanan ko mabuti na at nakahawak ako kay Carson.

Pero kahit nakahawak na ako kay Carson ay nadapa parin ako. Matalim kong tiningnan ang bato sa sahig na siyang dahilan. Pinagtawanan tuloy ni Carson.

"Watch you steps kasi, Lou. Don't think to much about him." Humagikhik siya.

Nasa loob na kami ng room at nasa pinakami ka likuran umupo. Sana naman hindi alphabetical order kung saan kami uupo.

We wait a little longer bago pumasok si Ma'am. Hindi ko pa knows ang name niya pero bata pa siya at maganda na rin. Sana mabait na rin ano.

Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak. Nakangiti siyang tumingin sa aming lahat. Siempre dahil transferee kaming lahat ay behave muna kami.

Nagpakilala siya bilang si Miss Nami. May inayos ayos pa siya sa mga gamit niya bago may kumatok at parang ineexpect niya na iyon.

"Please come in."

I held my breath when he step inside our room wearing his serious face. Rinig ko pang nagsinghapan ang mga kaklase kong babae. Then a girl followed him. Maganda ito at maputi...

I mentally cursed. Naalala ko ang sinabi ni Lorenzo sa akin. Why do I even remember him? Bwisit talaga ang isang 'yon.

Napatingin ako sa mga braso kung kayumangi. Hindi naman talaga ako ganun ka itim na patang negra na.

Na rinig ko ang bulungan nina Carson, Simon at Akira. Akala naman nila hindi ko naririnig na ako ang pinaguusapan nila. Aba't, unbelievable!

"This afternoon the Clubs will be open. One club per person only. Hindi pwedeng tigdalawahan ang sasalihan niyo...."

Ang nagpakilalang Vice president ang nagsasalita habang si Carlos naman ay tinatapik ang information ng mga clubs na pwedeng salihan sa school na ito.

"But every section dapat may mag vovolunteer bilang SSG representative. But you cannot join any clubs anymore. So sino ang may gusto?"

Napakurapkurap lang ako. Wala naman akong masabi eh. Naglakad papunta sa unahan si Miss  Nami at nagtatanong na kung sino ang willing.

It's Called UsWhere stories live. Discover now