Chapter 13

5 2 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN
Confirm

Going to the library isn't lorenzo's thing. Kaya naman nagtataka ako nang magprisenta siyang samahan ako sa library.

"Romance ba ang hinahanap mo or fantasy?"

Pinasadahan ko ng tingin ang mga librong nakahelera sa mga lalagyan nito. May pamilyar na libro at mayroon namang hindi.

Napaisip ako. Okay lang naman kahit ano. And dami kasing magandang basahin, hindi ako makapili kung alin.

"Here."

Binigay niya sa akin ang unang libro ng Twilight. Napanood ko na ang movie nito noong intrams dahil sa sobrang boring. Pero sabi nila mas maganda daw kung babasahin mo rin.

Natawa ako ng may maisip. Don't tell me nabasa niya na 'to. Wow. Hindi ako makapaniwala.

Tiningnan niya ako ng may nagtatanong na mga mata. Tumagilid ng bahagya ang ulo niya. Ok-ay? That's awkward. Nilihis ko na lang ang atensyon sa mga libro.

"You were laughing. What is it?"

Kunwari wala akong naririnig. Pumunta ako sa kabila at nilingon siyang nakasunod. Hawak niya parin ang libro.

"Nabasa mo na 'yan?" Nginuso ko ang hawak niyang libro.

Tiningnan niya 'yon at walang pagaalinlangang tumango. Nagpigil ako ng tawa. Nabasa niya nga! What the freaking hell. I can't believe it. Kung titingnan kasi siya parang hindi niya 'yon magagawa. Well, don't judge the book by it's cover.

"Pinagtatawanan mo ba ako dahil nagbabasa ako nito, " Sabi niya.

"Hoy, hindi ko 'yan sinabi. Nagulat lang ako. Hindi ko naman alam na mahilig ka palang magbasa ng romance novels," pangaasar ko.

Nagkibit balikat siya at lumapit sa gilid ko. Medyo dumestansya ako dahil ang lapit niya. Kahit medyo masikip ay lumayo ako.

Nakatingin siya habang ginagawa ko 'yon. At ang loko ngumisi. Napairap na lang ako. Not me.

"Sabi nila attractive daw ang mga lalaking nagbabasa ng mga libro."

Nasamid ako. Anong kalokohan. Saan niya naman 'yan na pulot. At bakit niya naman naiisip 'yan?

"Hah. Saan mo naman 'yan nakuha?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya at humilig na lang sa bookshelves. Napaatras ulit ako. Bakit ba dikit ng dikit 'to. Na st-stress na ko sa kanya ha.

"Louisa."

Naestatwa ako bigla. Guni guni ko lang ba 'yon o talagang binigkas niya ang pangalan ko?

Hindi ko siya nilingon hindi dahil naiinis ako sa kanya kundi hindi ko na nagugustuhan ang nirereact ng puso ko. Binasa ko ng paulit ulit ang title ng librong nakita pero hindi iyon nag sisink in sa utak ko.

Don't tell me naiilang ako sa kanya? Pero bakit naman ako maiilang sa kanya? Wala namang dapat ikalang pero bakit nailang ako bigla.

Shit. Lumayo na lang ulit ako sa kanya at nanalangin na wag na siyang lumapit sa akin.

Tatlong hakbang palang ng bigla niya akong hinawakan sa braso dahilan para mapahinto ako.

For a moment my heart beat ran wild. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko dahil sa mga kamay niyang nasa braso ko. Napapikit ako ng mariin. Really what's happening to me?

According sa librong pinahiram ng kaklase ko. Ganito daw ang nararamdaman ng isang babae kapag may gusto silang lalaki. Wait, What? So ibig sabihin may gusto ako kay lorenzo? Pero that's a freaking book. Walang kasiguraduhan.

It's Called UsWhere stories live. Discover now