CHAPTER 3

452 38 0
                                    


Kumunot naman ang noo ko habang nakamasid sa dagat. "Bakit?" tanong ko.

"Never mind" he shook his head.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Ry."

"What a nice full name" he sarcastically said. Kailangan pala buong pangalan dapat? Demanding.

Aba, nagsisimula nanaman siya, ah? Tanghaling tapat tapos gaganyanin mo 'ko? Baka gusto mong ilubog kita sa dagat.

Nakaramdam naman ako ng inis. I faced him "What do you want?"

"Nothing" sagot niya habang nakatingin sa dagat.

"Okay then" tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Saan ka pupunta?" he looked at me.

"Sa planetang mars" hindi ko na siya liningon at naglakad nalang ako pabalik sa kwarto.

Panira.

Tulog pa rin si Kevin ng makabalik ako. Humilata nalang ulit ako sa kama habang nagse-cellphone. Nag pop-up ang pangalan ni Ryle sa phone ko. It's a message.

From: Ryle
Don't forget my pasalubong! See u soon!

Nag-type naman ako ng ire-reply sa kanya.

To: Ryle
Sina Mama at Papa?

From: Ryle
Nasa office, I'm gonna call u!

RING! RING! RING!

I answered his call.

[Kuya!] bungad niya. Sa sobrang energetic niya, ang sakit noon sa tenga.

"Where are you?" tanong ko sa lakwatsero kong kapatid.

[Nasa bahay, nanunuod ng tv] sagot niya pero hindi ako kumbinsido.

I know you too well my little brother.

"Video call" suggest ko.

[No need, Kuya] tanggi niya.

"Bakit? Wala ka sa bahay 'no?" I teased.

[Ang kulit, nasa bahay nga ako!] depensa niya.

"Okay, kung nasa bahay ka, tatawagan ko si Mang Ramon" hindi ko naman talaga gagawin 'yon, hinuhuli ko lang siya.

[Fine! I'm with my friends!] inis na pag-amin niya. I laughed because of that.

"Sige na, ingat sa pag-uwi" paalam ko.

[Okay, Kuya! Bye!] then he hang up.

Bumalik naman ako sa pag i-scroll sa phone ko. Hinihintay ko nalang na magising si Kevin. I'm sure na sasali ulit siya sa mga palaro, at ganoon din sina Eric. Marami silang baong energy.

"Anong oras na ba?" tanong ni Kevin habang nag-iinat.

"Alas-tres na, tanga, dalian mo na" I said.

Napabalikwas naman siya ng bangon at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. "Ano?!"

"Tulog pa more" binato ko siya ng unan tsaka ako pumasok ng banyo.

"Let's go" aya ko sa kanya ng makalabas ako mula sa banyo.

"Iihi lang ako" deretso naman siyang tumakbo papasok sa banyo.

Hinintay ko nalang siya sa labas ng kwarto.

"Tara lets!" umakbay sa'kin si Kevin tsaka ako hinila papunta sa beach, headlock ang ginawa ni tanga.

"Gago" kinutusan ko siya ng bitawan niya ako.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now