CHAPTER 23

257 25 0
                                    

Read at your own risk.

Nang sabihin ni Dane ang address ng ospital ay pinatay ko na rin ang tawag. Kaagad akong sumakay sa kotse ko't pinaandar 'yon palabas ng mall. My heart is beating so fast.

Ilang missed calls na ang nata-tanggap ko galing kay Grix, nakikita ko 'yon sa screen ng phone ko. Tutok ako sa pagmamaneho kaya hindi ko masagot ang mga tawag niya. Napakabastos isipin na iniwan ko siya doon ng wala man lang pasabi.

Iniuntog ko ang sarili ko sa manibela ng bumungad sa harapan ko ang mga kotseng hindi umuusad. Kung kelan importante, tsaka naman maabutan ng traffic. Letse!

"Please, please, please" bulong ko habang nagpapalinga-linga sa harapan. Paulit-ulit kong pinipindot ang busina ng kotse ko, nagbabaka-sakaling uusad ang traffic. "Punyeta!" sigaw ko.

Nawawalan na ako ng pasensya. Bumaba na ako sa kotse ko, walang mangyayari kung hihintayin ko pang umusad ang traffic, baka umagahin lang ako dito!

Parang wala sa sarili kong tinatakbo ang daan. Hindi ko na alam kung anong gagawin, parang wala ng space ang utak ko sa mga da-dagdag na isipin. Parang hindi ako nakakaramdam ng pagod habang tumatakbo. Basta ang alam ko, kailangan ako ng kapatid ko, at kailangan ko siyang makita!

Hindi ko na rin alam kung paano ko narating ang ospital na sinabi ni Dane. Tumakbo na ako papasok at basta na lang dumiretso sa emergency room. Ilang mga nurse rin ang nabunggo ko.

Nakita ko kaagad sina Mama't Papa. Nakayakap si Mama kay Papa habang umiiyak. Unti-unti ng namumuo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, hindi ko 'ata kayang makita si Ryle na nasa ganoong kalagayan.

"M-Ma" hinihingal na usal ko't hinawakan ang braso niya. Bago pa man ako makapag-tanong, isang kamao na ang dumapo sa mukha ko at kaagad nagpatumba sa'kin sa sahig.

"Randy! Ano ba?!" sigaw ni Mama kay Papa. Lumuhod si Mama para tingnan ang kalagayan ko. "Anak, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya't hinawakan ang mukha ko.

"Kritikal ang lagay ng kapatid mo! Natamaan ng ligaw na bala!" bulalas ni Papa. "Kanina ka pa namim tinatawagan! Nasaan ka?! Kasama mo nanaman ang lalaki mo?!" tanong niya.

"Randy! Please! Don't make a scene here!" saway ni Mama sa kanya.

"Eto nanaman tayo, Ry! Mas nauna kang umuwi kesa sa'min ng Mama mo! Pero tingnan mo, mas nauna nanaman kami kesa sayo! At kung kelan pa talaga emergency!" bulalas niya. "Buhay ng kapatid mo ang nakataya dito, Ry! Kung sinagot mo lang sana ang tawag ni Ryle, hindi sana siya lalabas ng bahay! At hindi sana siya matatamaan ng ligaw na bala!"

Napamaang nanaman ako sa narinig ko. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko. "I-I don't.... I don't k-know" tanging nai-usal ko.

"Of course you wouldn't know! Dahil nga kasama mo si Grix! Alam mo ba kung bakit ka tinatawagan ng kapatid mo? Ha? Inaabangan ka sa labas dahil magpapasama daw siya sayong hanapin si Sushi!" tukoy niya sa asong alaga ni Ryle.

"Alam ni Ryle kung anong oras ang out mo sa trabaho! bullshit, Ry! Umaasa ang kapatid mong uuwi ka! Umaasang uuwi ka sa oras ng out mo! Pero look! Siguradong lumabas ka nanaman kasama si Grix!"

"Randy! Ilang beses ko bang uulitin—"

"Tumahimik ka, Kristina! Kinakampihan mo nanaman 'yang panganay mo!" putol niya sa sasabihin ni Mama. "Ikaw" binalingan ako ni Papa. "Hindi mo alam kung ilang beses ng umaasa ang kapatid mo sa'yo, pero kahit ilang beses na siyang naghintay sa wala, desidido pa rin siyang hintayin ka. Mahal na mahal ka ng kapatid mo, Ry" sabi ni Papa at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now