SPECIAL CHAPTER

297 11 1
                                    


We spent our honeymoon in Korea. Madami kaming napuntahan and na experience so we enjoyed a lot. After ng 1 month na pag stay namin don ay bumalik na din agad kami sa work.


I'm very happy na hindi naman naapektuhan or nagka issue about sa wedding namin ni Josh, actually mas dumami pa ang fans na nag support samin.

Ngayon ay nag iimpake na kami ng mga gamit namin ni Josh. Lilipat na kasi kami doon sa pinagawa naming sariling bahay. Dito kasi kami nag stay sa bahay nung lima habang hindi pa tapos yung amin.


"Misis ko ayos na ba lahat ng gamit mo?"

Tatlong maleta lang naman lahat ng gamit ko dahil puro damit lang yon, siya lang naman ang madaming gamit na dadalhin.

"yes, ready to go" naka ngiting sagot ko.

"good! ready na din yung akin so let's go?" I nod at kinuha niya yung dalawang maleta ko para ilabas.


Pag dating namin sa baba ay may mga tao na na kumukuha nung mga gamit namin para isakay sa sasakyan. Nag hire pa talaga si Josh ng pick up dahil sa dami ng gamit niya.


Nandon din si Sejun, Ken, at Justin sa may living room pero wala si Stell nasan naman kaya ang isang yon? Lumapit ako doon sa tatlo habang nasa likod ko si Josh.



"thank you sa inyo ah" pagpapa salamat ko sa kanila dahil simula palang ay napaka laki na ng naitulong nila sakin.


"no need to thank us ok? You are part of our family so we help each other"

Yumakap sakin si Sejun pero wala pang ilang segundo ay tinapik siya ni Josh kaya humiwalay siya natawa.


"sure ka na ba sa asawa mo?" napa tawa maman ako kay Ken.


"hoy!!--"

Susugod na sana si Josh kay Ken mabuti nalang at napigilan ko. Tatawa-tawa lang yung dalawa habang naka ngisi naman si Ken. Halata namang inaasar lamang si Josh pero pikon talaga ang isang 'to tss.



"di ko din sure eh" biro ko at pinandilatan ako ng mata ni Josh. ---"joke lang" sabay peace sign.



"bye Felip ma-mimiss kita" lumapit sakin si Ken at niyakap ako.


"I will miss---aray!!!" napa hiwalay sa pagkaka yakap sakin si Ken ng hampasin siya ni Josh sa braso. Kung kay Sejun kanina ay tapik lang, kay Ken ay hampas talaga.



Masama ang tingin ni Ken kay Josh at saka lumingon ulit sakin at ngumiti.

"I will miss you too Klite"


"wag mo nga ngitian ang asawa ko!" hiyaw niya kay Ken kaya napa iling nalang ako.


Napa tingin naman ako kay Justin na naka pout habang naka tingin sakin. Ang laki laki niya pero mukha siyang batang iiwan ng nanay.

Nag simula na siya humikbi parang nung unang nag kita kami nung naka balik ako galing Korea.

"Ate--" mabilis siyang yumakap sakin at nag simulang umiyak.

Ngayon niya lang ako tinawag na ate. Naluluha na din tuloy ako dahil sa saya, parang naging emosyonal ako bigla nung tinawag niya akong ate.


"stop crying, di naman ako lalayo" I pat his back medyo tumigil na siya pag iyak pero ang higpit parin ng pagkaka yakap sakin.



"hoy nalilibang ka dyan!" pilit iniaalis ni Josh ang pagkaka yakap sakin ni Jah pero mas lalo lang niyang hinigpitan. Pakiramdan ko at ipit na ipit na ko.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now