Chapter 28

316 18 1
                                    

A/N: No edit so expect some typos and wrong grammars.

Hindi rin kami nag tagal ni Josh kagabi dun sa bar. Binayaran muna ni Josh lahat ng nasira doon sa VIP room bago kami umalis. Pag dating namin sa bahay ay naka salubong namin si Ms. Hong.



Nag paalam lang siya samin na naihatid na niya si Stell at natutulog na doon sa kwarto niya. May dalang siyang kotse, yun yung naka parada sa may labas.


Hindi ako naka tulog, kahit na pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ay hindi ko magawang matulog. Yung utak ko kung ano anong naiisip. Hindi ko makalimutan yung mukha ni Stell kanina na nasasaktan. Parang tumatak yon sa isip ko, at nasasaktan din ako kapag naiisip ko iyon.



Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Akala ko ayos na ang lahat. Walang problema, walang mali, masaya lang. Pero mali pala ako. Hindi ko na inisip yung nararamdaman ng nasa paligid ko habang ako ay masaya.


Naging selfish ba ako? Bakit kada nalang nagiging masaya ako may nangyayaring ganito?


Di ko na namalayan na umaga na pala. Naaninag ko nalang ang sikat ng araw na tumatama sa may bintana. Kahit wala akong tulog ay bumangon na ako. Nag toothbrush lang ako at saka bumaba.

Mukang wala pang gising sa kanila. Dumeretso ako sa kusina, kumuha muna ako ng gatas sa ref para mainom at saka inihanda yung lulutuin ko. Pakiramdam ko lambot na lambot ako bgayon, nakaka walang gana.


Mukha na siguro akong zombie dahil wala akong tulog.  Habang nag luluto ako ay biglang pumasok si Stell sa kusina. Medyo natigilan pa siya at mukang nagulat ng makita ako pero dumretso siya pag pasok.


Nag iwas ako ng tingin at itinuloy ang pag luluto ko. Ramdam ko ang tingin niya sakin pero di ko siya nilingon.

"Klite.."

"hmm?" yan lang ang isinagot ko at nag abala sa pag luluto.

"about last night..." napa tigil ako sa ginagawa ko.

"I'm sorry"

"I'm sorry"

Sabay namint sabi kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.


"No, I'm sorry Klite lasing lang ako kagabi kaya ko nasabi yon kaya I'm sorry" umiling ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.


"pero kaya ka nag lasing dahil sakin diba?"  hindi siya naka imik.



"I'm really sorry dahil nasaktan kita Stell, sorry kung pati yung pagkakaibigan niyo ni Josh ay naapektuhan. I'm really sorry dahil hindi manlang ako naging sensitive sa nararamdaman mo" hindi ko na napigilan yung luha ko.



Lumapit siya sakin at pinunasan ang luha ko.


"Stop saying sorry Klite hindi mo kasalanan lahat. I'm sorry if I make you feel that way last night. Ayokong nakikita kang nasasaktan dahil nasasaktan din ako so please don't say sorry"

Okay medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.


Pinilit kong ngumiti at pinunasan yung luha ko. Ambigat bigat tuloy ng mata ko akkaiyak at dahil na rin sa wala akong tulog.


"sorry" napa tawa si Stell.


"isa pa Klite pepektusan na kita" banta niya.

"kaya mo?"

"hindi hahaha" at ayon pareho kaming natawa.


Bigla nalang may pumasok sa isip ko, kahit medyo lugaw na ang utak ko.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now