Chapter 16

394 24 5
                                    


"Klite gusto mo ng chiken?" tanong ni Stell

"Eto gusto mo ng sinigang?"tanong naman ni Josh

"Mas masarap itong ensaylada" alok ni Stell


"Isda ang masarap sa ganitong tanghalian" nilapit naman sakin ni Josh yung mangkok ng isda.


Nag palit-palit kasi ng pwesto ang mga loko. Si Sejun na yung nasa may kabilang dulo na katapat ko habang nasa kanan niya si Ken at sa kaliwa naman si Justin.


Habang ako dating pwesto pero nasa kanan ko na si Josh at sa kaliwa naman si Stell.

Kanina pa yang dalawang yan, parang nag kokompetensya sa isa't isa kung anong ipapakain sakin. Kahit yung tatlo ay nag tataka na sa kinikilos nitong dalawang abnormal.


Ramdam ko din ang talim ng tingin nila sa bawat isa. Mga abnormal! Medyo naiilang at naninibago tuloy ako sa pinag gagagawa nila tss.



Nag patuloy lang ako sa pag kain kahit yung dalawa eh panay ang gulo sakin. Pag dating ng dessert ay andaming naka hain may mga sweets at meron din namang fruits.


"tikman mo 'tong strawbery Klite" offer sakin ni Stell.

"mas masarap 'tong hinog na mangga tikman mo" naka abang na yung spoon na may mango sakin. Mukang balak pa akong subuan nitong Josh na 'to tss


"anong?! mas matamis naman itong strawberry" angil ni Stell.


"hindi masarap yan! maasim yan hindi katulad neto...say ahh Klite" parang bata na pinapa kain ako ni Josh.

Anong tingin niya sakin kinder?!

"strawbery!"

"mangga!"

"strawbery!"

"mangga!"

Aawatin ko na sana sila kaya lang may nauna na sakin.

"Hey! both of you! stop!" sigaw ni Sejun na nakapag patigil sa bangayan nung dalawa.

"para kayong mga bata! daig niyo pa si Justin!" sermon niya dun sa dalawa. Napa baling naman si Justin kay Sejun.

"bakit ako?" naka ngusong tanong ni Jah hahaha ang cute. Sinenyasan naman ni Sejun si Jah na tumahimik.


"oh Klite eat this" napa ngiti naman agad ako ng abutan ako ni Sejun ng leche flan hehe favorite ko 'to eh.

"t-teka! bakit yan kinain mo?" tanong ni Josh na naka kunot na ang noo sakin ngayon.


"Kilalanin niyo kasi muma bago kayo pumorma tss" pasaring ni Sejun kaya sinamaan siya ng tingin nitong dalawa na nasa gilid ko.


Simula kaninang umaga ganyan an sila kumilos parang mga linta kung maka dikit sakin. Kahit saan ako mag suot naka buntot padin.

-------

Lakad lang ako ng lakad dito sa may living room habang si Ken ay nanonood ng TV. Ito lang yung time na natahimik ako dahil nasa taas pareho si Stell at Josh. Tiningnan naman ako ni Ken ng nag tataka dahil kanina pa ako pabalik-balik.

Lumapit ako sa kanya at tumabi dun sa sofa na inuupuan niya.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Ken habang ang mata niya ay naka focus padin sa pinapanood.

Ako ba ang kausap neto? Malamang alangang yung TV! tss


"yung dalawang abnormal" sagot ko. Dahil yun naman talaga ang dahilan kung bakit di ako mapakali. Naninibago kasi ako sa kilos nung dalawa lalo na kay Josh.

Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now