Chapter 27

297 20 9
                                    


It's been a tiring day. Sobrang dami kasing events ang pinuntahan ng boys kaya ayon, ngarag kami mag hapon. Ang malala pa ay masyadong malalayo ang place ng event.

Actually kakauwi nga lang namin and it's already 10:00 PM. Naka kain na kami habang nasa byahe, nag drive thru nalang kami. So pag dating namin ay kanya-kanya na kaming punta ng kwarto. Maliban kay Stell na bumaba doon sa may labas ng subdivision dahil may pupyntahan daw siya.

Nag half bath lang ako then deretso tulog.

----------

Nagising ako dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko. Pag tingin ko sa phone ko ay 1:00 palang ng madaling araw. Wala pala akong nai-akyat na tubig, nakalimutan ko na din kanina dahil sa pagod.

Napilitan akong bumaba dahil hinahanap talaga ng lalamunan ko ang tubig. Pag baba ko ay naka bukas ang ilaw sa kusina.

May tao kaya? Teka sino namang pupunta ng kusina ng ganitong oras? Hindi kaya magnanakaw?

Daha-dahan akong lumapit doon. May pag sandal pa ako sa pader na parang may huhulihin na kung ano. Sinilip ko kung sinong nasa kusina. Medyo naka hinga ako ng maluwag ng makita kong si Josh lang pala.

May kausap siya sa phone niya at parang seryoso ang pinag uusapan nila, naka kunot kasi ang noo ni Josh. Sino kayang kausap nito?

Umayos ako ng tayo at pumasok ng kusina. Gusto kona talaga uminom!

Mukang napansin niya ang pag pasok ko. Ibinaba niya agad yung phone niya. Gulat siyang napa tingin sakin.

"k-kanina ka pa dyan?" tanong niya.

"kakadating ko lang, bakit parang gulat na gulat ka? may nakita kang multo?" umiling naman siya at lumapit sakin.

"bakit gising ka pa?" lunapit siya sakin.

"nagising lang ako nauhaw kasi" sagot ko. "ikaw bakit gising ka pa?" balik na tanong ko sa kanya.

"hindi ako maka tulog" napa tango lang ako at uminom na ng tubig.

"sinong kausap mo?" tanong ko.

"a-ah kaibigan lang" sagot niya na parang kabado.

Weird.

Bigla nalang tumunog yung phone ni Josh. Pag tingin ko ay unknown number yon. Tumingin muna sakin si Josh bago sagutin yung tumatawag.

"Hello? who's this?" sagot niya.

Bigla namang nangunot ang noo niya at tumingin sakin.

"What?! saan yan?!" halos sigawan na niya yung kausap. kya kaya nag simula na ko aalala.

"I'm on my way...don't let him leave"

Mas lalo akong nag taka. Him? teka sino? saka saan siya pupunta?

"sino yon?" tanong ko.

"Si Stell nasa bar lasing na daw" bigla akong nag alala, baka kung mapano yon.

"pupuntahan ko muna" sabi ni Josh, hahakbang na sana siya paalis ng awatin ko siya.

"sama ko"

"no hindi pwede" sagot niya sakin.

"please" pag mamaka awa ko dahil nag aalala talaga ako kay Stell.

"tss fine kumuha ka ng jacket sa taas" ngumiti naman ako sa kanya at dali-daling umakyat sa taas para kumuha ng jacket.

Pag labas ko ay nandon na si Josh at naka sakay na sa motor. Iniabot niya sakin yung isang helmet at isinuot ko yon. Pag sakay ko ay pina andar na niya. Medyo mabilis pa ang papaandar niya at ramdam ko ang pag aalala niya. Kahit naman ako ay nag aalala kay Stell.

Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now