Nanahimik ako kahit may gusto pa akong sabihin. Nanahimik ako dahil nakatingin samin ni Rasheed sila Mom at ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nila.

Ilang oras bago lumabas ang doktor sa OR. Natuwa ako sa sinabi niyang maayos na si Zoey at natanggal na nila ang salamin ng kotse na bumaon sa may tagiliran niya.

Nilipat nila sa private room si Zoey, request na rin nila Mommy na sa private room siya ilipat.

Ako ang una nilang pinapasok at halos manghina ako nang makita ko ang itsura niya. Puno ng pasa ang katawan niya.

Marahan kong hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry.." I whispered. "Luke said earlier that he saw you at the bar. I know I hurt you and maybe that's the reason kaya ka nagpuntang bar mag-isa." I gently kissed her forehead. "Gumising ka agad, okay? Sobrang nag-aalala sayo sila Mommy. Sobrang nag-aalala kami sayo kaya gumising ka agad."

"Zoey, I lied. I lied to save my ego and I am so sorry for that. I'm sorry for hurting you. Siguro kung hindi ko sinabi sayo 'yon, hindi ka magpupunta ng bar mag-isa at hindi mangyayari sayo 'to. But I promise you, hahanapin ko ang gumawa nito sayo. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya. I promise, Zoey."

I kissed her forehead again before getting out of her room, only to see Zoey's parents.

I smiled at them saka ako bumeso sa Mom niya at yumakap sa Dad niya.

"Is she okay now?"

Marahan akong tumango. "Yes po. She only needs rest para mabawi ang lakas niya. Natanggal na rin po ang salamin sa tagiliran niya." sagot ko.

Tumulo ang luha ng Mom niya. "My poor baby.."

Gumilid ako para makapasok sila sa room ni Zoey.

Nagpaalam naman ako kila Mom na uuwi muna at sumama sakin si Rasheed.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa police station para makibalita. Kung nahanap na ba ang bumangga kay Zoey.

"I'm sorry, pero hindi pa namin nahahanap hanggang ngayon kung sino ang nagmamay-ari ng kotse na bumangga kay Miss Zoey. Wala ring mga cctv sa mga nadaanan niya maski sa bar kung saan siya binangga."

Nanlumo ako sa sinabi ng pulis na siyang nag-aasikaso ng nangyari kay Zoey.

Nagpasalamat kami at tahimik na umalis doon.

Naguguluhan ako. Alam kong walang kaaway si Zoey pero bakit nangyayari sakaniya 'to? Bakit ginawa 'yon sakaniya? Noong una ay naagapan ko pa pero sa pangalawang pagtatangka ng kung sino man 'yon, nagtagumpay siya. Wala akong maisip na tao na pwedeng gumawa noon sakaniya.

I was driving when Rasheed tapped my shoulder saka nginuso ang phone ko na umiilaw. Grace's calling.

Mariin akong napapikit nang marealize na nakalimutan ko na naman siya at sinakop na naman ni Zoey ang isip ko.

"Yes, sweetheart?"

["Where are you? I'm here at your condo. Kanina pa ako dito sa labas."]

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at inisip kung may usapan ba kami na magkikita pero wala dahil alas tres na ng madaling araw.

"I'm driving. I'll call you later."

I didn't wait for her response, I ended the call agad.

"Hatid nalang kita sa bahay. Sa condo na ako uuwi." sabi ko kay Rasheed at tumango lang siya saka nagbuntong hininga.

I know he wants us to talk about what happened to Zoey pero ayaw niya lang sabihin ng deretso sakin.

Pagkahatid ko kay Rasheed ay dumeretso agad ako sa condo ko at nakita ko nga si Grace na nakasandal sa pintuan, nakatalikod sakin at may kausap sa phone.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now