Chapter 5: The man in my dream

9 2 0
                                    

Chapter 5: The man in my dream

Matapos nila akong ihatid, hindi rin naman ako nakatagal sa bahay. Hindi ko maatim na panuorin ang patuloy pa nilang pag aaway.

Nagimpake lang ako ng gamit ko at bumaba na. Nagpaalam ako kay na Mommy at Daddy na doon muna ako titira sa isang kaibigan. Narinig ko lang sila pareho na nagsabing ingat pero agad din silang bumalik sa pagtatalo nila. Dumiretso ako sa condo ni Nathan. Kasama kasi ang susi nito sa iniwan niya para sakin. Si Mon ang nagbalik nito sakin. Nabanggit daw kasi ni Stanley na kinuha ito ni Maddox sakin. And so I was staying here in this condo for the past three days. I was thinking of getting some work to make myself productive. I used the last three days  in making a presentable resume. Now that it's finished, I have to look decent.

Ang kaso...wala naman akong damit na presentable. Naibenta ko na lahat ng magaganda at branded kong damit noon para matubos ang bahay. Naisanla kasi ito noon ni Daddy. Hindi naman ako puwedeng magapply ng naka tshirt at short lang. Siguradong sa labas pa lang ay haharangin na ko ng guard pag nagkataon.

"Anong nangyari? Bakit nakakalat lahat ng damit mo, Aya?'' Stanley suddenly appeared with a bag of groceries in his hands. Walang palya niya kong dinadalhan ng pagkain nitong nakaraang tatlong araw. Tapos ngayon groceries naman.

"Stanley, you don't have to do this. Ang dami mo ng dinalang pagkain dito. Hindi kita kayang bayaran." I hissed.

Binaba niya naman ang mga dala niya sa ibabaw ng mesa saka ako muling nilapitan at pinitik sa noo.

"Ano ba? Ba't mo ko pinitik?!" I glared at him and he chuckled.

"Hindi mo naman kasi ako kailangang bayaran. Bigay ko to sayo, Aya." he insisted, cupping my face.

"Pero ayokong maging dependent sayo or kay Nathan. Ang dami niyo ng ginawa para sakin...tama na yon." I sighed, taking his hands away from my face.

"Kung ganon isipin mo na lang na pinautang kita at babayaran mo ko kapag nagkapera ka na." he beamed.

"Babayaran talaga kita pag nagkatrabaho nako pero bago yon puwede bang isagad ko na ang utang ko?"

Natawa naman siya bago muling nagsalita.
"Ano ba yon? Anong kailangan mo?"

"I need clothes. Decent ones. Hindi ako puwedeng mag apply ng ganito lang ang mga damit ko." I eyed the clothes that was scattered all over the floor.

"Sabi ko naman kasi sayo sa Clarity ka na lang magtrabaho. Hindi mo na kailangang mageffort pa na magbihis ng maganda. Hired kana agad doon pag nagapply ka!" he chortled as he shook his head.

Simula ng sinabi ko sa kanya ang balak ko na magtrabaho, lagi niyang sinasabi na doon na lang ako magapply sa bar ni Nathan...kaso ayoko. Ayokong makita ang lalaking yon.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko. Ayokong magtrabaho sa Clarity, Stanley." I rolled my eyes at him.

"Ayaw mo kahit malaki ang suweldo?" totoo yon. Galante si Nathan sa mga employee niya kaya mas mataas ang rate ng mga ito compare sa ibang lugar.

"O ayaw mo kasi may iniiwasan kang tao?" he scoffed. Smirk was plastered on his face.

He was obviously teasing me out. Everytime he opened up that topic—when Maddox dragged me away I always diverted him to something else. Alangan namang sabihin ko sa kanyang tinutukan ako ng baril ng matalik na kaibigan ni Nathan kaya nadulas ako at nahulog sa bangin pero prinotektahan ako nito kaya ito naconfine sa ospital.

Ano na lang ang iisipin niya kapag sinabi ko yon diba? 

"Shut it. Wala akong ikukuwento kahit ano pang gawin mo." I snickered, looking away.

PhilautiaWhere stories live. Discover now