Reaching Love ×Prologue×

34 5 3
                                    

Prologue

Love is like reaching out to try to get to the other person, but what if that person don't want to be reached? Or what if that person is so hard to reach?

Just like grasping to the air, you know it is there because you feel it's presence but you don't know when will you able to see and capture it.

Napahinto ako sa pagtype at napaisip kung ano ang mga dapat pang idagdag ko sa sinusulat kong nobela. Kanina pa ako nakaharap sa laptop ko. Gusto ko nang matapos sa pag edit nito at maipublish na.

*ring*

Inis kong sinagot ang tawag at umalis sa harapan ng laptop saka pumunta sa balkonahe ng kwarto ko.

"Ay! Highblood ka tih?"

"Ano nga yun?!"

"PMS? ETO NA NGAAA! Sasama ka ba sa reunion party sa susunod na buwan?" napaisip ako sa tanong ni Yeris.

Matagal bago ako nakasagot kaya inakala niyang naibaba ko na ang tawag. Dahil hello siya ng hello.

-_-

"Hindi ko alam. Hindi na lang siguro dahil tinatapos ko pa ang pag edit sa story ko."

"Yun nga lang ba o may iba pang dahilan?"

"Ano pa bang ibang dahilan ang-"

"Ayaw mo lang siyang makita." natigilan ako sa sinagot niya sa akin. Isa ba yun sa dahilan ko? "Tama ako noh? Hindi ka na nakapagsalita dyan."

"Syempre hindi. Alam niyo naman na masaya na ako ngayon diba? At busy talaga ako ngayon." rinig ko namang napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

Isa si Yeris sa mga kaibigan ko na mabilis maghinala at makaramdam. Pero hindi niya pinagpipilitan ang mga bagay na wala naman siyang magagawa.

"Sige, sabi mo eh. Sige na at hinahanap na ako ng asawa ko. Basta balitaan mo na lang kaming apat kung sasama ka, okay?"

"Okay. Bye!" ibababa ko na sana nang may nakalimutan akong sabihin kay Yeris. "Balitaan mo din kami sa honeymoon niyo ng asawa mo! Babye!" nakarinig pa ako ng mura galing sa kanya bago ko binaba nang tuluyan ang tawag.

Nagtungo ako sa kusina para uminom ng gatas. Gusto ko na kasi matulog at naisip ko din na bukas na lang pagpatuloy ang pag edit dahil wala na akong mapiga sa utak ko.

Napahinto ako sa pagtimpla nang may yumakap sa akin, niyakap ko din tuloy siya. Nakangiti ko siyang tinignan at ganon din siya sa akin.

Ang ganda talaga ng ngiti niya. Ngiting hinding hindi ako magsasawang makita araw araw.

"I love you, Van." sabi niya sa akin saka ako hinalikan sa labi.

"I love you too."

Masaya akong marinig mula sa mga labi niya na mahal niya ako. Dahil sa mga katagang yun ay naniniwala ako na sapat na ako sa kanya at alam kong sapat na din siya para sa akin.

Dahil pinangako ko na sa sarili kong siya na lang ang mamahalin ko buong buhay ko.

~elylily

Vote/Comment/Share

(I appreciate you guys for supporting my story, even if I'm just an underrated author. Hope you support me 'till the ending of this story. Thanksssss!)

SBA Series #1: Reaching Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon